1) Ano ang pangunahing yunit ng lipunan na humuhubog sa pagkatao ng isang indibidwal? a) Eskwelahan b) Komunidad c) Pamilya d) Simbahan 2) Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa isang nuclear family? a) Ama, ina, anak b) Lolo, lola, apo c) Magkakapatid at pinsan d) Tiyo, tiya, pamangkin 3) Ang pamilyang binubuo ng tatlo o higit pang henerasyon ay tinatawag na __________. a) Blended family b) Extended family c) Joint family d) Single-parent family 4) Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng blended family? a) Isang magulang na mag-isang nagtataguyod sa anak. b) Lolo, lola, magulang, at apo na naninirahan sa iisang bubong. c) Mag-asawa at kanilang dalawang anak na nakatira sa isang bahay. d) Mag-asawang may anak mula sa dating relasyon na nagsasama sa iisang tahanan. 5) Ano ang pangunahing tungkulin ng magulang sa loob ng pamilya? a) Gumawa ng batas sa pamayanan. b) Magbigay ng mga araling pampaaralan. c) Magsagawa ng pananaliksik sa lipunan. d) Magturo ng mabuting asal at pagpapahalaga. 6) Ano ang tinatawag na joint family? a) Pamilyang binubuo ng mag-asawa at dalawang anak. b) Pamilyang may lolo, lola, mag-asawa at kanilang mga anak. c) Pamilyang binubuo ng magkakapatid na may kanya-kanyang pamilya na nakatira sa iisang bubong. d) Pamilyang binubuo ng mga magulang, kanilang mga anak, at mga kaibigan ng kanilang mga anak. 7) Ano ang ibig sabihin ng pagmamahal at suporta bilang pagpapahalagang itinuro ng pamilya? a) Ang pagbibigay ng lahat ng gusto ng kanilang mga anak. b) Ang walang-kondisyong pagtanggap at pagpapahalaga sa isa’t isa. c) Ang pagkakaroon ng masayang pamumuhay ng buong mag-anak. d) Ang pagbibigay ng pagmamahal at disiplina sa lahat ng miyembro ng pamilya. 8) Ano ang tinutukoy na wika ng pagmamahal ayon k a) Mga panuntunang moral ng simbahan. b) Mga wikang ginagamit sa buong mundo. c) Mga salitang ginagamit sa pakikipag-usap sa pamilya. d) Ang Mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.ng pagmamahal at disiplina sa lahat ng miyembro ng pamilya. 9) Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa 5 Love Languages? a) Acts of Service b) Physical Touch c) Public Speaking d) Words of Affirmation 10) Ano ang ibig sabihin ng konsensiya? a) Isang utos ng magulang na dapat sundin. b) Isang batas na sinusunod ng lahat ng tao. c) Isang ugnayan ng damdamin at kilos ng tao. d) Isang kaalaman na tumutulong sa pagkilatis ng tama at mali. 11) Bakit mahalagang malinang ang isip at puso ng bata sa loob ng pamilya? a) Upang matutong umasa sa tulong ng iba. b) Upang makilala sa lipunan bilang tanyag na tao. c) Upang makakuha ng mataas na grado sa paaralan. d) Upang maging magalang at kapaki-pakinabang sa pamayanan. 12) Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng extended family? a) Si Ana ay nakatira mag-isa sa lungsod. b) Si Juan ay nakatira sa bahay ng kanyang guro. c) Si Carla ay nakatira sa dormitoryo malapit sa paaralan. d) Si Miguel ay nakatira kasama ang kanyang ama, ina, at lola. 13) Ano ang nagiging epekto ng pagkakaroon ng solong magulang sa pamilya? a) Nawawala ang paggalang ng anak sa magulang. b) Nagiging masama ang pakikitungo ng anak sa lipunan. c) Nagkakaroon ng dagdag na hamon sa oras at emosyon. d) Nagiging madali ang pamumuhay dahil sa simpleng pamilya. 14) Alin sa mga ito ang nagpapakita ng kapakumbabaan bilang pagpapahalaga? a) Pagpapanggap na laging tama. b) Pagmamataas sa kakayahan ng iba.masama ang pakikitungo ng anak sa lipunan. c) Pagtanggap na walang taong perpekto. d) Pag-iwas sa pakikisalamuha sa kapwa. 15) Bakit mahalaga ang pananalangin ng pamilya? a) Dahil ito ay ginagawa tuwing Linggo. b) Dahil ito ay tradisyon ng mga Pilipino. c) Dahil ito ay nagdudulot ng kayamanan. d) Dahil ito ay nagpapakita ng pagkakaisa at pananampalataya. 16) Paano pinapatibay ng pananalangin ang pamilya? a) Pinipilit nitong magsimba araw-araw. b) Pinagbabawalan nito ang paggamit ng cellphone. c) Pinag-aaway nito ang mga miyembro ng pamilya. d) Pinaghuhusay nito ang komunikasyon at pagmamahalan. 17) Ano ang pangunahing hamon ng pamilyang Pilipino ayon kina Cardinal Tagle at Villegas? a) Digmaan, Sakit, Gutom b) Kahirapan, Katiwalian, Kurakot c) Diborsyo, Kahirapan, Migrasyon d) Kalamidad, Karahasan, Kaban ng Bayan 18) Alin sa mga ito ang bunga ng kakulangan ng oras sa pananalangin? a) Lumalayo ang ugnayan ng pamilya. b) Lumalakas ang damdamin ng isa’t-isa. c) Nawawalan ng oras sa pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa. d) Nagiging malungkot ang lahat ng mga miyembro ng pamilya. 19) Alin ang pinakamabisang paraan ng paghubog ng tamang konsensiya? a) Pag-iwas sa mga bisyo. b) Pagsunod sa tibok ng puso. c) Pagsunod sa mga utos ng mga magulang. d) Pagsasanay ng mga birtud at regular na pagninilay. 20) Ang konsensiyang tama ay nakabatay sa __________. a) Damdamin ng tao b) Likas na Batas Moral c) Opinyon ng kaibigansa mga utos ng mga magulang. d) Utos ng lipunan 21) Ano ang ipinapakita ng konsensiyang mali? a) Ang mabuti ay tinatanggihan. b) Ang tama ay laging sinusunod. c) Ang mali ay hinuhusgahang tama. d) Ang kilos ay pinag-iisipan nang mabuti. 22) Kailan kumikilos ang antecedent conscience? a) Bago gawin ang isang kilos. b) Habang ginagawa ang kilos. c) Pagkatapos ng kilos. d) Sa oras ng paghatol. 23) Alin sa mga ito ang halimbawa ng pagmamalasakit sa kapwa? a) Pag-iwas sa mahihirap. b) Pagbibigay ng oras sa may sakit. c) Pagpapabaya sa nangangailangan. d) Pagyayabang ng sariling kakayahan. 24) Ano ang ipinapakita ng katarungan at paggalang sa buhay? a) Pagtatangi sa sariling kapakanan. b) Pantay na pagtrato sa lahat ng tao. c) Paghuhusga sa iba batay sa yaman. d) Pagpapabaya sa karapatan ng mahihirap. 25) Ano ang pangunahing aral ng Araw ng Kagitingan? a) Pagpapaunlad ng ekonomiya. b) Pagpapahalaga sa mga manggagawa. c) Pag-alala sa katapangan ng mga bayani. d) Pagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan. 26) Bakit ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12? a) Pagkilala sa mga guro. b) Paggunita sa EDSA Revolution. c) Pagdiriwang ng pagkakaisa ng mga bansa. d) Paggunita sa paglaya ng Pilipinas mula sa Espanya. 27) Ano ang ipinagdiriwang tuwing Oktubre 24? a) Araw ng Kalayaan b) Araw ng Kagitingan c) Araw ng Manggagawa d) Araw ng Mga Nagkakaisang Bansa 28) Paano makatutulong ang pamilya sa diskursong pampolitika? a) Sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga isyung panlipunan. b) Sa pamamagitan ng panonood ng pelikula. c) Sa pamamagitan ng paglibang sa mall. d) Sa pamamagitan ng pag-iwas sa balita. 29) Ano ang layunin ng pagtuturo ng kaalamang pinansiyal sa pamilya? a) Maging responsable sa paggamit ng pera. b) Gumastos nang labis. c) Maging mapagwaldas sa kita. d) Iwasang mag-impok. 30) Ang pamilya ay may papel sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan sa pamamagitan ng __________. a) Paggalang sa pagkakaiba-iba at pakikilahok sa komunidad. b) Pagpapabaya sa mga karapatang pantao. c) Pagpapalaganap ng diskriminasyon. d) Pag-iwas sa mahihirap. 31) Ano ang pangunahing sanhi ng pagbabago ng klima ayon sa United Nations? a) Fossil fuels tulad ng uling, langis, at gas b) Pagbaha at malalakas na bagyo c) Pag-init ng panahon d) Pagputol ng mga puno 32) Ano ang pangunahing mensahe ng EDSA People Power Revolution? a) Ang pagtatatag ng bagong konstitusyon. b) Ang pagdiriwang ng pagkahalal ng Pangulong Aquino. c) Ang pagkakaisa ng mga mamamayan laban sa katiwalian. d) Ang pagdiriwang ng pagkabagsak ng Diktatoryang Marcos. 33) Bakit mahalaga ang Sustainable Development Goals (SDGs)? a) Upang mapataas ang bilang ng populasyon. b) Upang magbigay ng kasiyahan sa bawat bansa. c) Upang makamit ang kapayapaan at kaunlaran para sa lahat. d) Upang makalikha ng mga layuning nagpapaunlad sa buong mundo. 34) Alin sa mga sumusunod ang layunin ng intergenerational justice? a) Ang kasalukuyang henerasyon ay may pananagutan sa mga susunod na henerasyon. b) Ang mga anak ng nauunang henerasyon ang may karapatang magpasya sa kalikasan. c) Ang kasalukuyang henerasyon ay dapat unahin ang interes ng susunod na henerasyon. d) Ang mga mayayamang bansa ang dapat magplano para sa hinaharap ng buong mundo. 35) Ano ang “Prayer Walk”? a) Pag-awit ng mga salmo habang naglalakad. b) Paglalakad habang nananalangin para sa komunidad. c) Pagninilay habang naglalakad para sa ikakabuti ng lahat. d) Pagdarasal at pagbabasa ng Bibliya habang naglalakad. 36) Paano makatutulong ang pamilya sa pangangalaga ng kalikasan? a) Sa pamamagitan ng pagsunog ng basura. b) Sa pamamagitan ng pag-aaksaya ng tubig. c) Sa pamamagitan ng pagbili ng maraming kagamitan. d) Sa pamamagitan ng pagtitipid sa enerhiya at pagre-recycle ng basura. 37) Ano ang pangunahing layunin ng family planning? a) Upang matulungan ang mag-asawa na mapabilis ang paglaki ng kanilang pamilya.Upang matulungan ang mag-asawa na mapabilis ang paglaki ng kanilang pamilya.ng pagsunog ng basura. b) Upang matulungan ang mag-asawa kung paano bubuhayin ang kanilang pamilya. c) Upang matulungan ang mag-asawa sa tamang pagpapasya tungkol sa pagkakaroon ng anak. d) Upang matulungan ang mag-asawa ng mga paraan upang hindi na tumaas ang bilang ng populasyon. 38) Bakit mahalaga ang family planning bilang tugon sa climate change? a) Nagreresulta ito sa pagdami ng basura. b) Nagpapataas ito ng paggamit ng enerhiya. c) Nakakatulong ito sa pagbawas ng polusyon at paggamit ng likas na yaman. d) Nagpapalaganap ito ng kamalayan sa pag-bubudget ng kanilang mga gastusin sa araw-araw 39) Ano ang tinutukoy ng intergenerational responsibility? a) Pag-iwas sa paggamit ng likas na yaman. b) Pag-iisip sa kapakanan sa kasalukuyang henerasyon. c) Pag-iingat sa likas na yaman para sa sariling mga anak d) Pantay na paggamit ng likas na yaman para sa kasalukuyan at hinaharap. 40) Ayon sa UNICEF (2012), ano ang ipinapahiwatig ng intergenerational justice? a) Walang kinalaman ang tao sa kalikasan. b) May karapatan ang bawat bata na mamuno. c) May tungkulin lamang ang gobyerno na protektahan ang kalikasan. d) May pananagutan ang kasalukuyang henerasyon sa mga susunod na henerasyon. 41) Ano ang pangunahing dahilan ng deforestation o pagkakalbo ng kagubatan? a) Paglandscape ng mga puno upang gawing National Park. b) Pagputol ng mga puno na hindi bagay sa ating klima. c) Pagputol ng puno para sa komersiyal na gamit. d) Pagpaparami ng halaman. 42) Bakit mahalagang itaguyod ang tamang pamamahala ng basura? a) Upang makalikha ng polusyon. b) Upang masunog ang mga kalat. c) Upang madagdagan ang tambakan ng basura. d) Upang mapanatiling malinis at ligtas ang kapaligiran. 43) Ano ang pagreresiklo (recycling)? a) Pagtatapon ng mga basurang nalalanta. b) Pagsunog ng mga lumang kagamitan upang gawing krudo. c) Paggamit muli ng mga bagay upang mabawasan ang basura. d) Pag-iipon ng mga sirang gamit upang pwede pang makinabangan. 44) Ano ang isa sa mga benepisyo ng recycling sa ekonomiya? a) Nagpapataas ito ng antas ng buhay sa mga mamamayan. b) Lumilikha ito ng mga trabaho para sa mga mamamayan. c) Napapaunlad nito ang kasiyahan sa buong bansa. d) Binabawasan nito ang krimen. 45) Bakit itinuturing ang recycling bilang pamumuhunan sa kinabukasan? a) Nagpapalaganap ito ng kahirapan. b) Nagdudulot ito ng kaguluhan sa lipunan. c) Nagpaparami ito ng basura sa komunidad. d) Pinoprotektahan nito ang likas na yaman para sa susunod na henerasyon. 46) Paano nakatutulong ang pamilyang nagdarasal nang sama-sama? a) Pinapahina nito ang tiwala sa Diyos. b) Pinapalakas nito ang pag-aaway sa tahanan. c) Pinaghihiwalay nito ang mga kasapi ng pamilya. d) Pinapatibay nito ang pagmamahal, komunikasyon, at pananampalataya. 47) Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang epekto ng media sa pamilya? a) Pagkaadik sa gadyet. b) Pagkakaniya-kaniya sa pananalangin. c) Pagbibigay inspirasyon sa pagdarasal. d) Pagpapakita ng karahasan sa mga palabas. 48) Ano ang ipinahihiwatig ng intergenerational justice case ni Atty. Antonio Oposa? a) Tanging gobyerno lang ang dapat kumilos para sa kalikasan. b) Walang pakialam ang kabataan sa mga isyung pangkalikasan. c) Ang mga matatanda lamang ang may karapatang magprotesta. d) Lahat ay may karapatang protektahan ang kalikasan para sa mga susunod na henerasyon. 49) Ano ang pangunahing layunin ng pagplano ng pamilya ayon sa aralin? a) Mapabilis ang paglaki ng populasyon. b) Ipagwalang-bahala ang kalusugan ng magulang. c) Magkaroon ng maraming anak para sa ekonomiya. d) Makamit ang balanseng populasyon at pangangalaga sa kalikasan. 50) Bakit mahalagang makilahok ang bawat pamilya sa mga layunin ng SDGs? a) Dahil ito ay tradisyon ng lahat ng bansa. b) Dahil ito ay paraan upang maging tanyag. c) Dahil ito ay ginagawa lamang ng mayayaman. d) Dahil ito ay daan upang makamit ang maunlad, pantay, at makatarungang lipunan.
0%
REVIEWER IN VALUES EDUCATION 7
Share
Share
Share
by
Jovelsalvado
G7
EsP
Edit Content
Print
Embed
More
Assignments
Leaderboard
Show more
Show less
This leaderboard is currently private. Click
Share
to make it public.
This leaderboard has been disabled by the resource owner.
This leaderboard is disabled as your options are different to the resource owner.
Revert Options
Open the box
is an open-ended template. It does not generate scores for a leaderboard.
Log in required
Visual style
Fonts
Subscription required
Options
Switch template
Show all
More formats will appear as you play the activity.
Open results
Copy link
QR code
Delete
Continue editing:
?