1) Ang kulturang di-materyal ay tumutukoy sa __________ a) mga bagay na nahahawakan b) mga bagay na hindi nahahawakan c) mga gusali at kasuotan 2) Ang pagsasalita ng sariling wika ay isang halimbawa ng __________. a) materyal na kultura b) kulturang di-materyal c) produktong banyaga 3) Alin sa mga ito ang hindi halimbawa ng kulturang di-materyal? a) Pananampalataya b) Paggalang sa nakatatanda c) Bahay na bato 4) Ang pagmamano ay simbolo ng __________. a) kabastusan b) paggalang c) takot 5) Ang pagdiriwang ng Pasko ay isang paraan ng pagpapakita ng ating __________. a) kultura b) kayamanan c) trabaho 6) Ang sariling pagkakakilanlan ay nangangahulugang __________. a) pagpapanggap bilang iba b) pagkilala sa sarili bilang Pilipino c) pagtalikod sa sariling pinagmulan 7) Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay palatandaan ng __________. a) sariling pagkakakilanlan b) pagiging mahina c) kawalan ng respeto 8) Kapag ipinagmamalaki mo ang iyong pinagmulan, ikaw ay __________. a) nahihiya b) nagmamalaki bilang Pilipino c) lumalayo sa kultura 9) Ang paggalang sa pambansang awit ay paraan ng pagpapakita ng __________. a) katapatan sa bansa b) kahinaan c) katamaran 10) Bakit mahalaga ang ating kultura? a) Dahil ito ay uso b) Dahil ito ay nagpapakita ng ating pagkakaisa at pagkakakilanlan c) Dahil ito ay para sa mayayaman lamang 11) Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng __________. a) pagkakakilanlan b) kalungkutan c) pagkalito 12) Kapag pinapahalagahan natin ang kultura ng iba, ipinapakita natin ang __________. a) kawalang-pakialam b) paggalang at pag-unawa c) pagmamataas 13) Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kulturang di-materyal sa paaralan? a) Pagsusuot ng uniporme b) Pagbati ng “Magandang umaga” sa guro c) Pagpinta ng silid-aralan 14) Ano ang pinagmulan ng ating kultura? a) Mga karanasan at tradisyon ng ating mga ninuno b) Mga produktong galing sa ibang bansa c) Mga bagong uso sa social media 15) Ang mga paniniwala at tradisyon ay bahagi ng __________. a) kultura b) pagkain c) kasuotan 16) Ang pagdiriwang ng pista ay nagpapakita ng __________. a) kalungkutan ng bayan b) kultura at paniniwala ng mga tao c) kaguluhan sa komunidad 17) Kapag minamahal natin ang ating sariling wika, ipinakikita natin ang __________. a) pagmamalaki sa lahi b) kawalan ng respeto c) pagiging banyaga 18) Alin sa mga ito ang dapat gawin upang mapanatili ang kultura? a) Kalimutan ang mga tradisyon b) Turuan ang mga kabataan tungkol dito c) Huwag pansinin ang mga kaugalian 19) Ang pagtutulungan ng mga mamamayan ay nagpapakita ng __________. a) pagkakaisa at malasakit sa kapwa b) pag-iisa c) kawalang-pakialam 20) Bakit dapat ipagmalaki ang sariling kultura? a) Dahil ito ay natatangi at bahagi ng ating pagkatao b) Dahil gusto lang sumikat c) Dahil ginaya ito sa ibang bansa

REVIEW TEST - MAKABANSA 2

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?