1) Ano ang kahulugan ng kultura? a) Panahon ng pagtatanim b) Kabuuan ng paniniwala, gawi, sining, at tradisyon ng isang grupo c) Uri ng tirahan sa komunidad 2) Alin ang nagpapakita ng kultura ng isang komunidad? a) Uri ng klima b) Mga tradisyon at paniniwala c) Anyong lupa 3) Ang kultura ay naipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod sa pamamagitan ng: a) Pera b) Edukasyon at pananalita c) Teknolohiya 4) Ang kultura ay nagbibigay ng: a) Pagsubok b) Gantimpala c) Pagkakakilanlan 5) Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng kultura? a) Sayaw at awit b) Pananampalataya c) Laro sa computer 6) Ano ang layunin ng pag-aaral ng kultura? a) Para matutong maglaro b) Para maunawaan ang pagkakaiba-iba ng tao c) Para makahanap ng trabaho 7) Ang kultura ay: a) Pareho sa lahat ng tao b) Magkakaiba sa bawat lugar c) Hindi nagbabago 8) Ano ang tumutukoy sa natatanging kultura ng isang grupo ng tao sa isang lugar? a) Katangiang Heograpikal b) Katangiang Kultural c) Katangiang Pisikal 9) Bakit mahalaga ang katangiang kultural ng isang komunidad? a) Para makalimot sa pinagmulan b) Para mapanatili ang pagkakakilanlan c) Para maging moderno 10) Ang “Bayanihan” ay isang katangiang kultural na nagpapakita ng: a) Katamaran b) Katapatan c) Pagtutulungan 11) Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng materyal na kultura? a) Pagmamano b) Bahay Kubo c) Pista 12) Alin ang tumutukoy sa mga bagay na gawa ng tao na maaaring mahawakan? a) Materyal na Kultura b) Di-Materyal na Kultura 13) Alin sa mga sumusunod ang di-materyal na kultura? a) Paggalang sa nakatatanda b) Barong Tagalog c) Gamit sa bahay 14) Ano ang ibig sabihin ng pagkakakilanlang kultural? a) Panlabas na anyo ng tao b) Natatanging katangian ng kultura ng isang komunidad c) Uri ng hanapbuhay sa barangay 15) Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagkakakilanlang kultural? a) Trapiko sa lansangan b) Pananampalataya at wika c) Laro sa kompyuter 16) Ang pagkakakilanlang kultural ay nakikita sa: a) Ugnayan ng mga hayop b) Kaugalian at paniniwala ng mga tao c) Laki ng tahanan 17) Bakit iba-iba ang kultura sa bawat komunidad? a) Dahil pareho ang klima b) Dahil may kanya-kanyang pinagmulan at kasaysayan c) Dahil sa teknolohiya 18) Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kultura sa isang komunidad? a) Paglalaro sa computer shop b) Pagdiriwang ng pista c) Pagpunta sa mall 19) Paano mo maipagmamalaki ang kultura ng iyong komunidad? a) Pagtangkilik sa sariling produkto b) Pagkopya sa ibang bansa c) Pag-iwas sa tradisyon 20) Bakit mahalaga ang kultura sa komunidad? a) Para sa negosyo b) Para sa pagkakaisa at pagkilala sa sarili c) Para makipagkumpitensya sa iba 21) Anong gawain ang nagpapakita ng paggalang sa kultura ng komunidad? a) Pagwawalang-bahala sa mga kaugalian b) Pagtangkilik sa mga lokal na kasuotan at pagkain c) Paggamit ng banyagang wika lamang 22) Paano mo maipapasa ang kultura ng iyong komunidad sa iba? a) Sa pamamagitan ng pagpapabaya b) Sa pamamagitan ng pagtuturo at pagsasabuhay nito c) Sa pamamagitan ng paglisan sa komunidad 23) Bakit mahalaga ang pagkakakilanlang kultural ng isang komunidad? a) Para makalimot sa pinagmulan b) Para makipagsabayan sa teknolohiya c) Para mapanatili ang tradisyon at pagkakakilanlan 24) Ang pagkilala sa sariling kultura ay nagdudulot ng: a) Pagkatakot b) Pagkakaisa at pagmamalaki   c) Pag-aalinlangan 25) Paano makatutulong ang kultura sa pagpapatatag ng komunidad? a) Sa pamamagitan ng pagbili sa ibang bansa b) Sa pagtutulungan at paggalang sa pagkakaiba-iba c) Sa pagtatalo ng magkakaibang opinyon 26) Anong mahalagang epekto ng pagkakakilanlang kultural sa mga bata? a) Nalilito sila b) Nakikilala ang sarili at ang pinagmulan c) Naiinggit sa ibang kultura 27) Ang kultura ay nagsisilbing: a) Balakid sa pag-unlad b) Gabay sa pagkilos ng mga tao c) Bagay na dapat kalimutan 28) Sa paggalang sa iba’t ibang kultura, naipapakita ang: a) Takot b) Pagkakaisa c) Pagkakalaban 29) Ano ang mangyayari kung mawawala ang pagkakakilanlang kultural? a) Mawawalan ng sariling pagkatao at pagkakaiba b) Mas mapapadali ang pamumuhay c) Lalong yayaman ang komunidad 30) Paano natin mapapanatili ang ating pagkakakilanlang kultural? a) Sa pamamagitan ng pagkalimot sa tradisyon b) Sa pagtangkilik sa banyagang kultura c) Sa pagpapatuloy at pagpapasa nito sa susunod na henerasyon

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?