1) Ayon kay Bruce Hoffman, ano ang pangunahing layunin ng terorismo? a) Magbigay ng tulong pinansyal b) Magtanim ng sikolohikal na takot c) Magpalaganap ng edukasyon d) Magtatag ng bagong pamahalaan 2) Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng state terrorism? a) Pag-atake ng grupong relihiyoso sa ibang bansa b) Sistematikong karahasan ng pamahalaan laban sa mamamayan c) Pagbebenta ng ilegal na droga d) Pagpapalaganap ng komunismo 3) Anong uri ng terorismo ang nakabatay sa ideolohiya at paniniwalang may kaugnayan sa relihiyon? a) Left-wing terrorism b) Religious terrorism c) Narco-terrorism d) Right-wing terrorism 4) Ang layunin ng right-wing terrorism ay: a) Palitan ang demokrasya ng sosyalismo b) Panatilihin ang tradisyunal na sistemang panlipunan c) Magpalaganap ng komunismo d) Magpalaganap ng ilegal na droga 5) Alin sa mga sumusunod ang epekto ng terorismo? a) Pagtaas ng kita ng pamahalaan b) Pagkakaroon ng mas maraming mamumuhunan c) Pagkaantala ng mga proyekto ng pamahalaan d) Pagtaas ng turismo 6) Kung ikaw ay bahagi ng pamahalaan, alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang unang hakbang upang sugpuin ang terorismo? a) Pagpapalakas ng militar b) Pagpapahina ng suporta ng mamamayan sa mga terorista c) Pagpapataw ng mas mataas na buwis d) Pagpapalaganap ng propaganda 7) Bakit nakaaapekto ang terorismo sa ekonomiya ng bansa? a) Dahil nagiging mas produktibo ang mga manggagawa b) Dahil bumababa ang tiwala ng mga mamumuhunan c) Dahil tumataas ang turismo d) Dahil lumalakas ang kalakalan 8) Kung hindi maagapan ang terorismo, ano ang maaaring maging epekto nito sa hinaharap? a) Pagtaas ng pamumuhunan b) Pagkakaroon ng matatag na ekonomiya c) Paglala ng kaguluhan at kahirapan d) Pagtaas ng antas ng edukasyon 9) Paano makatutulong ang pakikipagtulungan sa ibang bansa sa paglaban sa terorismo? a) Nagbibigay ito ng mas maraming armas b) Nagpapalakas ng ugnayan at pagbabahagi ng impormasyon c) Nagpapababa ng presyo ng bilihin d) Nagpapalaganap ng relihiyon 10) Kung ikaw ay gagawa ng kampanya laban sa terorismo, alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang mensahe? a) Gumamit ng dahas upang sugpuin ang dahas.” b) Pagkakaisa at edukasyon: Sandata laban sa terorismo.” c) Huwag pansinin ang mga terorista.” d) Magpalakas ng armas para sa kapayapaan.”

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?