1) Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang. 2) Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon. 3) Nagpapakain ma't masama ang loob, ang pinakakain 'di mabubusog. 4) Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang matapang. 5) Walang humawak ng lutuan na hindi nauulingan. 6) Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha. 7) Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman. 8) Walang matiyagang lalaki sa pihikan na babae. 9) Ang langaw na dumapo sa kalabaw, mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam. 10) Ang ibong sa hawla ikinulong nang mahigpit, kapag nawala'y hindi na babalik. 11) Kahit saang gubat, may ahas. 12) Kung anong bukambibig, siya ang nilalaman ng dibdib. 13) Walang mapait ng tutong, sa taong gutom. 14) Walang naninira sa bakal, kundi sariling kalawang. 15) Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan. 16) Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay-kubo na ang nakatira ay tao. 17) Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim. 18) Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin. 19) Anuman ang gagawin, makapitong isipin. 20) Anuman ang gawa at dali-dali, hindi maigi ang pagkakayari. 21) Bago ka bumati ng sa ibang uling, pahiran mo muna ng uling ang iyong sarili. 22) Matutuyo ang sapa ngunit hindi ang balita. 23) Kung saan nahihilig, doon din nabubuwal. 24) Kaibigan kung meron, kung wala ay sitsaron. 25) Ang sakit ng kalingkingan, dama ng buong katawan. 26) Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo. 27) Ang taong may tunay na hiya, ang salita ay panunumpa. 28) Ang pag-aasawa ay hindi biro, 'di tulad ng kaning iluluwa kapag napaso. 29) Ang pili nang pili, madalas natatapat sa bungi. 30) Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.
0%
Box mo, Explain mo!
Share
Share
Share
by
Maammiimii
College
Filipino
Edit Content
Print
Embed
More
Assignments
Leaderboard
Show more
Show less
This leaderboard is currently private. Click
Share
to make it public.
This leaderboard has been disabled by the resource owner.
This leaderboard is disabled as your options are different to the resource owner.
Revert Options
Open the box
is an open-ended template. It does not generate scores for a leaderboard.
Log in required
Visual style
Fonts
Subscription required
Options
Switch template
Show all
More formats will appear as you play the activity.
Open results
Copy link
QR code
Delete
Continue editing:
?