1) Ano ang ibig sabihin ng nasyonalismo? a) Pagtangkilik sa banyagang produkto b) Pagbibigay ng buwis sa pamahalaan c) Masidhing pagmamahal sa sariling bayan d) Pagtira sa ibang bansa 2) Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng nasyonalismo? a) Pagkopya ng kultura ng banyaga b) Pagmamalaki sa sariling wika at kultura c) Pagtangkilik sa imported na produkto d) Pag-iwas sa kasaysayan 3) Sino ang tagapagtatag ng La Solidaridad? a) Marcelo H. del Pilar b) Jose Rizal c) Graciano Lopez Jaena d) Emilio Jacinto 4) Ano ang layunin ng Kilusang Propaganda? a) Maghimagsik laban sa mga Espanyol b) Humingi ng reporma sa mapayapang paraan c) Magtatag ng sariling republika d) Mag-alsa sa pamahalaang Espanyol 5) Saan itinatag ang La Solidaridad? a) Madrid b) Paris c) Barcelona d) Maynila 6) Ano ang opisyal na pahayagan ng Katipunan? a) La Solidaridad b) El Filibusterismo c) Kalayaan d) Diario de Manila 7) Sino ang utak ng Katipunan na sumulat ng Kartilya? a) Jose Rizal b) Emilio Jacinto c) Andres Bonifacio d) Marcelo del Pilar 8) Kailan naitatag ang Katipunan? a) Hunyo 12, 1898 b) Agosto 23, 1896 c) Hulyo 7, 1892 d) Oktubre 30, 1896 9) Sino ang pangunahing tagapagtatag ng Katipunan? a) Apolinario Mabini b) Andres Bonifacio c) Emilio Aguinaldo d) Mariano Ponce 10) Ano ang simbolo ng pagiging kasapi sa Katipunan? a) Pag-awit ng Lupang HinirangPagpirma gamit ang sariling dugo b) Pag-awit ng Lupang Hinirang c) Paglagda sa kasunduan d) Pagbigay ng pera 11) Ilan ang antas ng kasapi sa Katipunan? a) Dalawa b) Tatlo c) Apat d) Lima 12) Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng kasapi sa Katipunan? a) Katipon b) Kawal c) Bayani d) Supremo 13) Anong layunin ng Katipunan ang tumutukoy sa kalayaan mula sa Espanya? a) Asimilasyon b) Paghihimagsik c) Pag-iral ng relihiyon d) Pamumuno sa simbahan 14) Ano ang ibig sabihin ng "Kartilya ng Katipunan"? a) Pahayagan b) Gabay sa asal ng kasapi c) Saligang batas d) Panatang Makabayan 15) Panatang MakabayanAno ang wika ng La Solidaridad? a) Tagalog b) Ingles c) Kastila d) Latin 16) Bakit ginamit ang wikang Kastila sa La Solidaridad? a) Wala silang salin sa Tagalog b) Para matutong magsalita ng Espanyol ang mga Pilipino c) Para maunawaan ng mga mambabasa sa Espanya ang hinaing ng mga Pilipino d) Para sa mga prayle lamang ito 17) Anong samahan ang itinatag bilang tugon sa pagkakatapon kay Jose Rizal? a) La Liga Filipina b) Katipunan c) El Consejo de los Dioses d) Asociacion Hispano-Filipina 18) Ano ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Kilusang Propaganda? a) Nawalan ng pondo b) Wala nang sumuporta c) Natalo sa halalan d) Pagkakatapon kay Jose Rizal 19) Sino ang kasama ni Bonifacio sa pagtatatag ng Katipunan? a) Teodoro Plata at Ladislao Diwa b) Jose Rizal at Mariano Ponce c) Emilio Jacinto at Graciano Lopez d) Antonio Luna at Apolinario Mabini 20) Ano ang ibig sabihin ng asimilasyon? a) Pag-aalsa laban sa Espanya b) Pagtatago ng tunay na damdamin c) Pagturing sa Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya d) Paglayo sa kulturang Pilipino 21) Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng Kilusang Propaganda? a) Pagkakaroon ng kinatawan sa Cortes b) Pagpapatalsik sa mga Kastila sa pamamagitan ng rebolusyon c) Pantay na karapatan sa mga Kastila d) Karapatang mamuno ng mga paring Pilipino 22) Ano ang gamit ng pahayagang La Solidaridad? a) Pagpapahayag ng hinaing ng mga Pilipino sa pamahalaang Kastila b) Balitang panlalawigan c) Pahayagang panglibangan d) Pang-kalakalang ulat 23) Sino sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga propagandista? a) Graciano Lopez Jaena b) Marcelo H. del Pilar c) Jose Rizal d) Emilio Aguinaldo 24) Bakit isinulat ang Kartilya ng Katipunan? a) Para sa talambuhay ni Bonifacio b) Bilang patnubay sa ugali ng kasapi c) Para sa mga prayle d) Gamit sa pakikipaglaban 25) Ano ang tawag sa kasaping bagong sumali sa Katipunan? a) Katipon b) Kawal c) Bayani d) Supremo 26) Ano ang ipinakita ng ating mga bayani sa pagtatag ng mga kilusan? a) Takot sa pamahalaan b) Kakulangan sa disiplina c) Pagmamahal sa bayan at kahandaang magsakripisyo d) Pagtitiwala sa dayuhan 27) Paano ipinakita ng Katipunan ang kahandaang mag-alay ng buhay? a) Sa pamamagitan ng sayaw b) Sa pagpirma gamit ang sariling dugo c) Sa pagkanta ng himno d) Sa pagbibigay ng donasyon 28) Ano ang pagkakapareho ng Kilusang Propaganda at Katipunan? a) Parehong pahayagan lamang b) Parehong itinatag sa Espanya c) Parehong naglalayong magmulat ng nasyonalismo d) Parehong mapayapang kilusan 29) Ano ang dahilan kung bakit nanamlay ang Kilusang Propaganda? a) Nagkaisa ang mga Pilipino b) Ipinatapon si Rizal sa Dapitan c) Nanalo sa halalan ang mga Kastila d) Lumipat ang mga kasapi sa Katipunan 30) Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Katipunan na hindi layunin ng Kilusang Propaganda? a) Rebolusyon laban sa Espanya b) Pantay na karapatan sa mga Pilipino c) Representasyon sa Cortes d) Pagkapantay-pantay sa batas

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?