1) Ano ang pangunahing layunin ng kaisipang liberal? a) Itaguyod ang kolonyalismo b) Bigyang halaga ang kalayaan at karapatan ng bawat isa c) Pagtibayin ang kapangyarihan ng simbahan d) Palaganapin ang kapangyarihan ng pamahalaang Español 2) Ano ang naging epekto ng pagkamatay nina GOMBURZA sa mga Pilipino? a) Pagtatatag ng mga pabrika b) Pagiging tapat sa pamahalaang Español c) Paggising ng damdaming nasyonalismo d) Pagtigil ng pag-aaral ng mga Pilipino 3) Sino ang tatlong pangunahing repormista sa Kilusang Propaganda? a) Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Antonio Luna b) Gregorio del Pilar, Mariano Ponce, Emilio Jacinto c) Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Ladislao Diwa d) Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena 4) Ano ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda? a) La Solidaridad b) Diyaryong Tagalog c) Ang Kalayaan d) El Fili 5) Sino ang nagsulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo? a) Marcelo H. del Pilar b) Graciano Lopez Jaena c) Jose Rizal d) Emilio Jacinto 6) Ano ang layunin ng La Liga Filipina? a) Itaguyod ang himagsikan b) Pagkaisahin ang mga Pilipino at itaguyod ang reporma c) Magsanay ng mga sundalo d) Ipagtanggol ang mga prayle 7) Anong makasaysayang pangyayari ang nagbunsod sa pagtatatag ng Kilusang Propaganda? a) Pagkabitay kina GOMBURZA b) Pagkakatatag ng Katipunan c) Pagkatatag ng La Liga Filipina d) Paglalathala ng El Filibusterismo 8) Sino ang tinaguriang "Utak ng Katipunan"? a) Andres Bonifacio b) Emilio Jacinto c) Deodato Arellano d) Marcelo H. del Pilar 9) Anong samahan ang nagtangkang wakasan ang pananakop ng Español gamit ang dahas? a) La Liga Filipina b) B. c) Katipunan (KKK) d) Diyaryong Tagalog 10) Anong kilusang ginamit ang lapis, papel, at panulat sa pagsulong ng reporma? a) Katipunan b) Kilusang Propaganda c) La Liga Filipina d) La Independencia 11) Sino ang namuno sa pagtatatag ng La Liga Filipina? a) Marcelo H. del Pilar b) Graciano Lopez Jaena c) Jose Rizal d) Emilio Jacinto 12) Ano ang dahilan ng pagkabigo ng Kilusang Propaganda? a) Kakulangan sa mga tagasuporta b) Hindi nakamit ang hinihinging reporma mula sa pamahalaang Español c) Di sapat ang armas at tauhan d) Lahat ng kasapi ay namatay 13) Sino ang naging patnugot ng La Solidaridad pagkatapos mamatay si Lopez Jaena? a) Jose Rizal b) Juan Luna c) Marcelo H. del Pilar d) Emilio Aguinaldo 14) Ano ang layunin ng Katipunan? a) Makipagkasundo sa mga Español b) Makamit ang kalayaan mula sa mga Español gamit ang lakas c) Magtayo ng pabrika d) Manahimik at tanggapin ang sitwasyon 15) Paano isinulat ng mga kasapi ang kanilang pangalan sa Katipunan? a) Gamit ang lapis b) Gamit ang tinta c) Gamit ang uling d) Gamit ang sariling dugo 16) Ano ang naging inspirasyon ni Andres Bonifacio sa pagtatatag ng Katipunan? a) Rebolusyong Amerikano b) Rebolusyong Pranses c) Unang Digmaang Pandaigdig d) Himagsikang Mexicano 17) Sino ang tinaguriang “Plaridel”? a) Jose Rizal b) Graciano Lopez Jaena c) Marcelo H. del Pilar d) Emilio Jacinto 18) Sino ang nagsulat ng nobelang tumuligsa sa kalupitan ng mga prayle? a) Jose Rizal b) Emilio Aguinaldo c) Pedro Paterno d) Antonio Luna 19) Ano ang naging dahilan ng pagkakatuklas ng Katipunan? a) Isinumbong ito ng kasapi b) Naabutan ang kasapi na may dokumento ng Katipunan c) Nalathala ito sa pahayagan d) Inamin ni Bonifacio sa mga Español 20) Ano ang layunin ng La Solidaridad? a) Itaguyod ang Himagsikan b) Magturo ng wikang Español c) Ilathala ang mga adhikain ng mga repormista d) Ipalaganap ang Katolisismo 21) Ano ang ginamit ng mga propagandista upang ipaglaban ang kanilang layunin? a) Armas b) Panulat at papel c) Baril at itak d) Sigaw at lakad 22) Sino ang sumulat ng “Ang Kalayaan”? a) Marcelo H. del Pilar b) Jose Rizal c) Emilio Jacinto d) Apolinario Mabini 23) Anong samahan ang nahati sa reporma at himagsikan? a) La Liga Filipina b) Katipunan c) Kilusang Propaganda d) Diyaryong Tagalog 24) Kailan itinatag ang La Liga Filipina? a) 1890 b) 1892 c) 1896 d) 1872 25) Ano ang nangyari kay Jose Rizal matapos itatag ang La Liga Filipina? a) Ipinatapon sa Mindoro b) Ipinatapon sa Dapitan c) Pinarangalan sa Espanya d) Tumakas patungong Amerika 26) Ano ang pahayagan na itinatag ni del Pilar upang ibunyag ang katiwalian? a) Kalayaan b) Diyaryong Tagalog c) La Vanguardia d) La Libertad 27) Sino ang mga dayuhang tumulong sa Kilusang Propaganda? a) Luna at Hidalgo b) Blumentritt at Bonifacio c) Blumentritt at Miguel Morayta d) Morayta at Emilio Jacinto 28) Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa layunin ng La Liga Filipina? a) Proteksiyon sa mga kasapi b) Pag-aaral ng reporma c) Pagsugpo sa katiwalian d) Pagtatag ng hukbong sandatahan 29) Sino ang kasamang nagtayo ng Katipunan kay Bonifacio? a) Emilio Aguinaldo at Antonio Luna b) Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, at Deodato Arellano c) Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce d) Jose Rizal at Jose Maria Panganiban 30) Ano ang layunin ng Katipunan sa paggamit ng lihim na samahan? a) Manloko ng kapwa Pilipino b) Magtago sa gobyerno ng Espanya habang nagpaplano c) Itaguyod ang Himagsikan laban sa mga Español d) Kumita ng salapi

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?