1) Mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga a) Lipunan b) Social group c) Institusyon 2) Katayuan o pagkakakilanlan ng isang tao sa isang grupo a) Status b) Role 3) Inaasahang tungkulin at karapatang kaakibat ng status ng isang tao a) Status b) Role 4) Dalawa o higit pang mga taong nakikipag-ugnayan sa isa't isa, may magkakatulad na katangian, at sama-samang nakararamdam ng pagkakaisa a) Social group b) Institusyon c) Lipunan 5) Uri ng social group na may malapit at impormal na ugnayan na tumatagal nang mahabang panahon. Hal. pamilya at barkada a) Primary group b) Secondary group 6) Uri ng social group na may pormal at pansamantalang ugnayan na nakatuon sa pagkamit ng mga layunin a) Primary group b) Secondary group 7) Organisadong sistema ng ugnayan na nag-aambag sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng lipunan a) Institusyon b) Social group c) Lipunan 8) Institusyon ng lipunang nag-aalaga sa mga bata at nagtuturo sa kanila ng life skills a) Pamilya b) Paaralan c) Pamahalaan d) Ekonomiya e) Relihiyon 9) Institusyon ng lipunang nagtuturo sa mga mamamayan ng mga kaalaman at kasanayang magagamit nila upang maging produktibong miyembro ng lipunan a) Pamilya b) Paaralan c) Pamahalaan d) Ekonomiya e) Relihiyon 10) Institusyon ng lipunang nagpapatupad ng mga batas at nagpapanatili ng kaayusan ng lipunan a) Pamilya b) Paaralan c) Pamahalaan d) Ekonomiya e) Relihiyon 11) Institusyon ng lipunang tumitiyak sa produksiyon, pamamahagi, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo a) Pamilya b) Paaralan c) Pamahalaan d) Ekonomiya e) Relihiyon 12) Institusyon ng lipunang nagbibigay ng pinag-isang (= unified) sistema ng paniniwala at moralidad na gagabay sa asal (= behavior) ng mga tao sa lipunan a) Pamilya b) Paaralan c) Pamahalaan d) Ekonomiya e) Relihiyon

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?