1) Pumili ng salita na bubuo sa pangungusap na: "Pupunta ako _______ pupunta ka!" a) kung b) kong 2) Pumili ng salita na bubuo sa pangungusap na: "Hindi lang dahil sa ganda niya, _______ dahil sa kabaitan at pagmamahal na ipinakikita nito sa kanya." a) kung di b) kundi 3) Pumili ng salita na bubuo sa pangungusap na: "Alam niyang marami pang _______ na ganoon dahil sa pagmamahal nilang dalawa." a) Susundan b) Susundin 4) Pumili ng salita na bubuo sa pangungusap na: "Mahal na mahal niya _______ si Ana." a) din b) rin 5) Pumili ng salita na bubuo sa pangungusap na: "Isang umaga, _______ magising si Miguel, nakita niyang wala na ang kanyang nobya sa tabi." a) nang b) ng 6) Pumili ng salita na bubuo sa pangnngusap na: "_______ mo ang luhang dumadaloy sa iyong mata." a) Pahirin b) pahiran 7) Pumili ng salita na bubuo sa pangungusap na: "Doon niya nakita si Ana, na masayang nagwawalis _______ sahig." a) nang b) ng 8) Pumili ng salita na bubuo sa pangungusap na: "Siya ay lumabas na lamang ng kwarto upang _______ ang bagong biling sapatos ng kanyang nobya para sa kanya." a) subukin b) subukan 9) Pumili ng salita na bubuo sa pangungusap na: "Nakita ni Ana ang gagawin ng kanyang nobyo kaya napag-isipan niyang _______ ito." a) sundin b) sundan 10) Pumili ng salita na bubuo sa pangungusap na: "Bukas ay pupunta si Joel _______ Mark." a) kina b) kila 11) Alin sa sumusunod ang may tamang gamit ng salita na “tatahiin” o “tatahian”? a) Tatahiin ang malalim na sugat na nakuha ni james sa aksidente. b) Tatahian ang malalim na sugat na nakuha ni james sa aksidente. 12) Alin sa dalawa ang may tamang gamit ng salita na “din” o “rin”? a) Ako rin pupunta. b) Ako din pupunta. 13) Alin sa dalawang pangungusap ang may tamang gamit ng salita na “din” o “rin”? a) Kumain siya ng kanin at uminom din ng tubig. b) Kumain siya ng kanin at uminom rin ng tubig. 14) Pumili ng tamang salita mula sa ibaba: Ang batang ito ay magaling maglaro ___ basketball. a) ng b) nang 15) Akin nang _______ ang napakagulong pook na ito. a) iwanan b) iiwanan 16) Pumili ng salitang bubuo sa pangungusap na: “_________ kaming palaisdaan sa Bulacan.” a) Mayron b) Mayroon 17) Pumili ng salitang bubuo sa pangungusap na: “Bumili siya ________ tinapay at gatas.” a) ng b) nang 18) Alin sa mga sumusunod ang may tamang gamit ng salitang “walisin” ? a) Walisin mo ang bintana. b) Walisin mo ang mga basura sa ilalim ng lamesa.   19) Alin ang tamang gamit ng “nang” at “ng”? a) Tumahol ng tumahol ang aso hanggang sa umalis ang bisita nang kanyang amo. b) Tumahol nang tumahol ang aso hanggang sa umalis ang bisita ng kanyang amo. 20) Alin sa dalawang pangungusap ang may tamang gamit ng salita? a) Pupunta ako kila Juan. b) Pupunta ako kina Juan.

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?