1) Piliin ang K kung ang pahayag ay katotohanan at O kung opinyon. Sina Jennifer at Lally ay magkaibigan. a) K b) O 2) Piliin ang K kung ang pahayag ay katotohanan at O kung opinyon. Kung ako ang tatanungin, dapat lagi tayo nag-iingat upang hindi magkaroon ng sakit. a) K b) O 3) Piliin ang tauhang nagsabi ng pahayag. “Buti na lang at hindi pala dengue ang sakit ko." a) Lally b) Jennifer c) Binibining Malana 4) Piliin ang tauhang nagsabi ng pahayag. “Lally! Lally! Pasok na tayo.” a) Lally b) Jennifer c) Aling Mating 5) Piliin ang pangungusap na walang kaugnayan o di-angkop na kaisipan sa grupo ng mga pangungusap. a) Linisin ang mga kanal. b) Dapat itapon ang mga nakaibak na tubig. c) Naglalaro sa palaruan ang mga magkakaibigan. d) Ugaliing maglinis ng bakuran upang hindi pamugaran ng lamok. 6) Piliin ang pangungusap na walang kaugnayan o di-angkop na kaisipan sa grupo ng mga pangungusap. a) Sina Jennifer at Lally ay magkaibigan. b) Nag-aalala si Jennifer dahil nagkaroon ng sakit si Lally. c) Nalaman ni Jennifer na hindi pala dengue ang sakit ni Lally. d) Ang mga bubuyog ay lumilipad papunta sa mga halaman 7) Tukuyin ang damdamin ginamit sa pahayag. Yehey! Nakapaglaro ako kasama si Lally. a) natutuwa b) nagagalit c) nalulungkot 8) Tukuyin ang damdamin ginamit sa pahayag. Nagkaroon ng dengue si Lally dahil nakagat siya ng lamok. a) natutuwa b) nalulungkot c) nasasabik 9) MAGPAPASALAMAT Ito ay matamis na pagkain na nilalagyan ng sorbetes. a) APA b) SALA c) ALAMAT 10) MAGPAPASALAMAT Bahagi ito ng bahay na nagiging tanggapan ng mga bisita. a) APA b) SALA c) ALAMAT 11) Tukuyin ang diptonggo na ginamit sa pangungusap. Nakita ni Jennifer ang isang dilaw na bulaklak sa hardin. a) dilaw b) hardin c) Nakita 12) Tukuyin ang diptonggo na ginamit sa pangungusap.  Mabilis ang galaw ng bubuyog. a) galaw b) Mabilis c) bubuyog 13) Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit. Si Lally ay nagsusunog ng kilay upang makakuha ng mataas na marka, a) sinusunog ang kilay b) nag-aaral nang mabuti 14) Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit. Si Jennifer ay ipinanganak na may gintong kutsara kaya nakatira siya sa malaking bahay. a) mayaman o maraming pera b) kulay ginto na ginagamit kapag kumakain 15) Tukuyin ang pandiwang ginamit sa pangungusap. Lumipad ang paruparo sa mga halaman. a) Lumipad b) paruparo c) halaman 16) Tukuyin ang pandiwang ginamit sa pangungusap. Si Jennifer ay umaawit sa harap ng silid-aralan. a) harap b) umaawit c) silid-aralan 17) Piliin ang NA kung ang pandiwa ay naganap, NG kung nagaganap, at MG kung magaganap. Sina Jennifer at Lally ay naglaro kanina sa palaruan. a) NA b) NG c) MG 18) Piliin ang NA kung ang pandiwa ay naganap, NG kung nagaganap, at MG kung magaganap. Si Jennifer ay kumakanta araw-araw sa harap ng silid-aralan. a) NA b) NG c) MG 19) Piliin ang angkop na aspekto ng pandiwa na bubuo sa pangungusap. _________ bukas si Lally ng adobo. a) Nagluto b) Nagluluto c) Magluluto 20) Piliin ang angkop na aspekto ng pandiwa na bubuo sa pangungusap. Si Lally ay ______ ng kuwarto kahapon. a) naglinis b) naglilinis c) maglilinis 21) (unlapi) nag- + laro a) naglaro b) lanagro c) laronag 22) (hulapi) punta + han a) hanpunta b) puhanta c) puntahan 23) Tukuyin ang pang-abay na pamaraan na ginamit sa pangungusap. Magalang na binati ni Lally si Binibining Malana. a) Magalang b) binati c) Binibining Malana 24) Tukuyin ang pang-abay na pamaraan na ginamit sa pangungusap. Si Jennifer ay mabilis tumakbo papunta sa silid-aralan. a) tumakbo b) mabilis c) silid-aralan 25) Tukuyin ang pang-abay na pamnahon na ginamit sa pangungusap. Araw-araw nagsasanay si Jennifer ng sayaw. a) nagsasanay b) sayaw c) Araw-araw 26) Tukuyin ang pang-abay na pamnahon na ginamit sa pangungusap. Naglilinis si Jennifer ng bakuran tuwing umaga. a) bakuran b) tuwing umaga c) Naglilinis 27) Piliin ang ankop na pang-abay na panlunan na bubuo sa pangungusap. Sina Jennifer at Lally ay nagtatanim ng halaman __________. a) sa bakuran b) sa kuwarto c) sa sala 28) Piliin ang ankop na pang-abay na panlunan na bubuo sa pangungusap. _____________ nag-aaral at natutuo sina Jennifer at Lally. a) Sa paaralan b) Sa simbahan c) Sa palaruan 29) Piliin ang ankop na pangatnig na bubuo sa pangungusap. Si Jennifer ay matulingin _______ mapagmahal sa kapwa. a) at b) ngunit c) subalit 30) Piliin ang ankop na pangatnig na bubuo sa pangungusap. Bibigyan kita ng gantimpala _____ kailangan mo sundin ang utos ko. a) o b) dahil c) ngunit 31) Tukuyin ang pariralang pinag-ugnay ng pang-angkop sa pangungusap.  Si Jennifer ay nakatira sa malayong kaharian. a) Jennifer ay nakatira b) malayong kaharian c) nakatira sa malayo 32) Tukuyin ang pariralang pinag-ugnay ng pang-angkop sa pangungusap.  Ang gusto ni Lally ay malinis na kapaligiran. a) gusto ni Lally b) Lally ay malinis c) malinis na kapaligiran 33) Mayroong malaki ______ aklat si Lally. a) na b) ng c) g 34) ang bahay ni Lally ay gawa sa bahay ____ bato. a) na b) ng c) g 35) Punan ng angkop na pang-ukol upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Ang kuwentong ito ay _______ sakit ni Lally. a) tungkol sa b) tungkol kay c) tungkol kina 36) Punan ng angkop na pang-ukol upang mabuo ang diwa ng pangungusap. ______ mga tao, nakakatakot na makagat ng lamok. a) Ayon sa b) Tungkol kay c) Para kay 37) Punan ng angkop na pang-ukol upang mabuo ang diwa ng pangungusap. ______ Lally, ang dengue ay nakukuha sa kagat ng lamok. a) Dahil sa b) Batay sa c) Ayon kay

Mapanubok na Pagtataya

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?