Ramadan at Eid'l Fitr - Taon-taon ipinagdiriwang ng mga muslim ang Ramadan. Sa mga araw na ito nagdarasal at nag-aayuno ang mga Muslim mula ika-anim ng umaga hanggang ika-6 ng gabi., Santa Cena o Banal na Hapunan at Pasalamat - Ginagawa ito ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo or INC. Ang pasasalamat ay sinasagawa tuwing Hulyo 27 at tuwing Disyembre bago matapos ang taon, Pasko - Tuwing ika-25 ng Disyembre pinagdiriwang ng mga katoliko. Pinaniniwalaan nila na ito ang araw ng pagsilang ni Hesus., Bagong Taon - Pinagdiriwang tuwing hating gabi ng Disyembre 31 hanggang Enero 1. maingay masaya at sama-sama ang lahat sa okasyong ito, Undas o Araw ng mga Patay - Ang araw ng mga patay o undas ay ating idiniraos tuwing unang araw ng Nobyembre. Nagsisindi tayo ng kandila sa puntod ng mga yumao at nag-aalay ng mga bulaklak, Araw ng Kalayaan - tuwing ika-12 ng Hunyo, inaalala natin ang araw ng kalayaan ng ating bansa, Araw ng mga Puso - Pinagdiriwang natin tuwing ika-14 ng Pebrero. Pinahahayag natin sa araw na ito ang ating pagpapahalaga sa ating mga mahal sa buhay., Araw ng mga Ina - Ginugunita natin tuwing ikalawang linggo ng Mayo ang kahalagahan ng mga ina, Araw ng mga Ama - Pinagdiriwang natin tuwing ikatlong linggo ng Hunyo, binabati natin ang ating ama, lolo, tiyo at iba pang mga ama sa araw na ito., Araw ng mga Guro - Tuwing ika-5 ng October, inaalala natin ang kahalagahan ng mga guro. Pinaabot natin ang ating pasasalamat sa kabutihang ginagawa nila sa atin,

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?