1) Alin sa mga sumusunod ang itinatag upang tugunan ang suliraning pangkabuhayan sa panahon ng Komonwelt? a) National Rice and Corn Corporation b) Sanggunian ng Pambansang Kabuhayan c) Homestead Act d) Quezon Code of Ethics 2) Ano ang pangunahing layunin ng Homestead Act na ipinatupad sa panahon ng Komonwelt? a) Pagbabahagi ng lupain sa mga magsasaka b) Pagbibigay ng lupa sa mga Muslim c) Pagpapababa ng presyo ng bigas at mais d) Pagbibigay ng sapat na sahod sa mga manggagawa 3) Anong mahalagang karapatan ang unang naibigay sa mga kababaihan sa panahon ng Komonwelt? a) Karapatang makapagmana ng ari-arian b) Karapatang bumoto sa halalan c) Karapatang mag-aral sa unibersidad d) Karapatang magtrabaho sa gobyerno 4) Ano ang magiging epekto sa lipunan kung hindi ipinatupad ang mga hakbang na ginawa ng Pamahalaang Komonwelt sa pagpapabuti ng kondisyon ng mga manggagawa tulad ng pagpapataw ng minimum wage at pagtutok sa karapatan ng manggagawa? a) Pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay at hindi pagkakasunduan sa mga sektor ng lipunan b) Pagtaas ng antas ng edukasyon sa bansa c) Pagbaba ng ekonomiya dahil sa kakulangan sa paggawa d) Pag-unlad ng industriya ng pagmimina at agrikultura 5) Kung ang mga Pilipino sa panahon ng Komonwelt ay hindi binigyan ng pagkakataon sa edukasyon at hindi pinairal ang paggamit ng wikang Ingles, paano kaya ito nakaapekto sa pag-unlad ng bansa pagkatapos ng Komonwelt? a) Ang edukasyon at paggamit ng Ingles ay nagbigay ng mas maraming oportunidad sa mga kabataan sa trabaho at negosyo b) Ang mga Pilipino ay magiging mas makabayan at hindi naapektohan ng banyagang impluwensya c) Ang pagkakaroon ng sariling wika ay nagbigay ng mga hadlang sa komunikasyon sa pagitan ng mga Pilipino at mga banyaga d) Hindi magkakaroon ng epekto ang edukasyon at wikang Ingles sa pag-unlad ng bansa

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?