1) Kailan nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Batas Militar? a) Enero 17, 1981 b) Hunyo 12, 1898 c) Agosto 22, 1899 d) Setyembre 21, 1972 2) Ano ang batas na nagpasailalim sa buong bansa sa batas military? a) Republic Act of 1988 b) Republic Act of 1898 c) Saligang Batas ng 1895 d) Presidential Decree 1081 3) Ang mga sumusunod ay mabuting epekto ang Batas Militar, maliban sa isa. Ano ito? a) Umiwas ang mga tao na magkalat sa daan. b) Pang-aabuso ng militar sa kanilang kapangyarihan. c) Nagkaroon rin ng programang Green Revolution at reporma sa lupa. d) Umuuwi nang maaga ang mga kabataan dahil sa ipinatupad na curfew. 4) Kaninong pelikula ang “Sakada” na tinuring na subersibo ni Pangulong Marcos? a) Behn H. Cervantes b) Eugenio Lopez Jr. c) Jovito R. Salonga d) Lino O. Brocka 5) Sino ang binaril at namatay habang pababa sa tarmac ng eroplanong kanyang sinasakyan sa Manila International Airport noong Agosto 21, 1983? a) Behn H. Cervantes b) Benigno Aquino c) Eugenio Lopez Jr. d) Jose Diokno 6) Sino ang pinakamahigpit na kalaban ng rehimeng Marcos na pinatay sa tarmac ng MIA? a) Fidel V. Ramos b) Juan Ponce Enrile c) Pangulong Cory Aquino d) Sen. Benigno Aquino Jr. 7) Ano ang tahimik na paraan ng pagkamit ng demokrasya sa Pilipinas? a) People Power I b) Pakikibaka 1986 c) People Power II d) War on Drugs 8) Ang bawat mamamayan ay may karapatan na magkaroon ng panimulang edukasyon o basic education upang higit na maging kapaki-pakinabang na mga mamamayan. Ano ito? a) Karapatan sa kalayaan b) Karapatan sa edukasyon c) Karapatan sa pagmamay-ari d) Karapatan sa malayang pagdulog sa mga hukuman 9) Anu-ano ang mga tatlong uri ng mga karapatan ng mamamayang Pilipino? a) estado, uri, batas b) wala sa nabanngit c) kumain, maligo, maglaro d) likas, konstitusyonal, ayon sa batas 10) Anong teroristang grupo ang lumusob sa Lungsod ng Marawi noong 2017? a) BIFF b) MNLF c) New People’s Army d) Abu Sayyaf at Maute 11) Sinong pangulo ng Pilipinas ang humarap sa impeachment trial? a) Benigno “Noynoy” Aquino b) Cory Aquino c) Fidel V. Ramos d) Joseph Estrada 12) Sino ang pangulong nagpatupad ng K-to-12 Program bilang reporma sa edukasyon? a) Benigno “Noynoy” Aquino b) Cory Aquino c) Fidel V. Ramos d) Joseph Estrada 13) Sino sa mga sumusunod ang may programang 4Ps? a) Cory Aquino b) Fidel V. Ramos c) Gloria Macapagal Arroyo d) Joseph Estrada 14) Ano ang naglalarawan sa mga pangyayari, ganap, opinyon, ideya, o paksa tungkol sa mga kasalukuyang panahon? a) Isyu sa Politika b) Isyu sa Kabuhayan. c) Isyu sa Kapaligiran d) Kontemporaryong isyu 15) Ano ang pinakamahalagang yaman ng bansa kung saan nakasalalay ang kaunlaran ng isang bansa? a) Yamang Tao b) Yamang Lupa c) Yamang Tubig d) Yamang Mineral 16) Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na nakaranas ng Batas Militar. Ano ang ibig sabihin ng Batas Militar? a) Ito ay batas para sa mga military. b) Ito ay pagtatalaga sa militar na mamuno sa bansa. c) Ito ay pagsuspinde sa mga kilos at operasyon ng militar sa bansa. d) Ito ay espesyal na kapangyarihan ng estado na maaring ipatupad kung ang bansa ay nasa ilalim ng rebelyon, pananakop at iba pa. 17) Isa sa mga halimbawa sa marahas na hakbang ng batas militar na isinagawa ng Pamahalaan upang hadlangan ang mga nagbabantang panganib ay rebelyon. Kung ihahalintulad ba ngayon sa pamamahala ni Pangulong Duterte, meron din bang nagaganap na rebelyon? a) Meron, mga mamayang walang magawa sa buhay. b) Wala, mahilig makialam ang mga mamayan sa buhay ng buhay. c) Wala, kontento ang mga sambayanang Pilipino sa serbisyo na ipinamamalas ng pangulo d) Meron, mga taong bumabatikos sa pamahalaan, ayaw makipag isa sa pamamahala ni Pangulong Duterte 18) Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na nakaranas ng Batas Militar. Ano ang ibig sabihin ng Batas Militar? a) Ito ay batas para sa mga military. b) Ito ay pagtatalaga sa militar na mamuno sa bansa. c) Ito ay pagsuspinde sa mga kilos at operasyon ng militar sa bansa. d) Ito ay espesyal na kapangyarihan ng estado na maaring ipatupad kung ang bansa ay nasa ilalim ng rebelyon, pananakop at iba pa. 19) Ano ang naging kapalit ng pagpapautang muli ng IMF sa Pilipinas? a) Magkaroon ng Snap Election. b) Magkaroon ng People Power I. c) Magkaroon ulit ng batas militar. d) Magbayad muna ng utang ang Pilipinas. 20) Lahat ng tao ay may karapatan. Gayun pa man, may mga karapatan tayong maaaring alisin o baguhin ng mga taong may kapangyarihan, isa na dito ang Kongreso. Alin uri ng karapatan ang tinutukoy dito? a) Karapatang likas b) Karapatang Pantao c) Karapatan ayon sa Batas d) Karapatang Konstitusyonal 21) Ano ang pangunahing dahilan bakit nilusob ng pangkat ng Abu Sayyaf at Maute ang bayan ng Marawi? a) Nais ng kanilang pangkat na i- hostage ang mga tao dito. b) Nais ng kanilang pangkat na kunin ang lahat ng pera at yaman ng lungsod. c) Nais ng kanilang pangkat na kilalanin sila bilang pinakamalakas na pangkat ng terorista sa Pilipinas. d) Nais nilang makubkob ang kapitolyo at magtayo ng watawat ng ISIL at gawin ang Marawi na Islamic State. 22) Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paglabag ng karapatang pantao? a) Pag-agaw sa ari-arian ng isang tao. b) Pag-aresto at pagkulong sa isang tao ng walang warrant of arrest. c) Pagboto sa taong nais mong mahalal sa isang pwesto sa pamahalaan. d) Pagtawag na terorista sa isang tao o organisasyon na walang sapat na ebidensya o batayan. 23) Pag-aalis ng Countrywide Development Fund o mas kilala sa tawag na “pork barrel” o ang milyon-milyong pisong ibinabahagi sa mga lokal na pamahalaan na di umano ay napupunta lamang sa mga kawani ng gobyerno sa halip na gamitin sa pagtustos sa pangangailangan ng mga mamamayan ang isa at kilalang naging program niya. Kaninong programa ito? a) Joseph Estrada b) Cory Aquino c) Fidel Ramos d) Rodrigo Duterte 24) Isa sa mahalagang naging programa ni dating Noynoy Aquino kung saan sa ilalim ng batas na ipinatupad ay higit na humaba o tumagal ang pag-aaral ng mga mag-aaral na Pilipino sa ilalim ng basic education. Naniniwala din siya na kailangang magkaroon ng pagbabago ang Sistema ng edukasyong ipinatutupad sa bansa upang makatugon ito sa pangangailangan ng lipunan. Anong batas ito? a) 4 Ps Program b) Abot Alam Program c) K to 12 Program d) Kariton Klasrum 25) Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paglabag ng karapatang pantao, maliban sa isa.Ano ito? a) Pag-agaw sa ari-arian ng isang tao. b) Pag-aresto at pagkulong sa isang tao ng walang warrant of arrest. c) Pagkampanya sa taong nais mong mahalal sa isang pwesto sa pamahalaan. d) Pagtawag na terorista sa isang tao o organisasyon na walang sapat na ebidensiya o batayan. 26) Ayon kay Pangulong Marcos, idineklara niya ang batas militar dahil walang katahimikan at kaayusan ang bansa noon. KUNG IKAW ang pangulo, gagawin mo rin ba ang ginawa ni Pangulong Marcos? a) Lahat ng sasabihin ng pamahalaan ay karapat-dapat sundin. b) Wala akong magagawa dahil kagustuhan ng mamamayan iyon. c) Hindi, hayaaan kung magkaroon ng karahasan sa bansa, wala akong pakiaalam d) Oo, para gamitin ko ang kapangyarihan bilang Punong Kumander ng Hukbong Sandatahan upang mailigtas sa pananakop, rebelyon at insureksiyon ng bansa 27) Ang mga sumusunod ay paraan para maipakita ng mga Pilipino ang nais nilang makamit ang demokrasya, maliban sa isa. Ano ito? a) Nagpapaka abala sa mga gawaing bahay. b) Nagkaisa sila sa pagtitipon sa mga kalsada. c) Nag-aalay sila ng dasal para sa mga nagpoprotesta. d) Nagpadala sila ng suporta tulad ng pagkain, gamot at tulong sa mga nagpoprotesta. 28) Pinaghinalaan ka ng iyong kapitbahay na nagnakaw ng kaniyang pera. Isang araw, may nagpuntang mga pulis sa inyong bahay para arestuhin ka. Ano ang dapat mong gawin? a) Makipaglaban sa mga pulis b) Makipaglaban sa mga pulis c) Sumama sa mga pulis nang walang reklamo d) Hanapan ng search warrant ang mga pulis bago sumama 29) Ayaw ng iyong tiyahin na magpabakuna laban sa COVID-19 dahil natatakot siya para sa magiging epekto nito sa kanyang kalusugan. Bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong maipayo mo sa kanya tungkol dito? a) Sabihing wag nang magpabakuna dahil hindi talaga ligtas ang mga bakunang Made in China. b) Sabihing wag nang magpabakuna dahil hindi naman ito makakatulong upang maiwasan ang sakit na COVID-19. c) Sabihing magpabakuna dahil kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa kanya dulot nito ay hindi naman siya nag-iisa. d) Sabihing magpabakuna dahil mababawasan nito ang mga sintomas na maaring maramdaman kung sakaling mahawa ng COVID-19. 30) Isa sa mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas ay ang solid waste. Ano ang gagawing mo upang hindi patuloy ang problema sa basura ang ating bansa? a) Itapon ang basura kung saan saan. b) Paghaluhaluin ang mga uri ng basura. c) May disiplina sa pagtatapon ng basura. d) Ang mga nabanggit ay tamang kasagutan. 31) Isa sa mahalagang hakbang na gagawin sa pagtugon sa mga hamon ng suliraning pangkapaligiran ay ang paggamit ng mga mamamayan ng kanilang kakayahan sa pagtukoy, pagsagawa ng plano, at pagbuo ng solusyon para sa pagharap ng mga suliraning pangkapaligiran. Ito ay nakikilala bilang bottom-up na pamamaraan ng pagbuo ng hakbang. Mabisa ba ang paraang ito? a) Oo, dahil ang mga mamamayan ang kailangang mag-isip ng mga solusyon sa mga problema na sila din ang makinabang. b) Hindi, dahil ang pamahalaang pambansa ang nararapat na magsagawa ng mga hakbang sa pagtugon ng mga suliranin ng mamamayan. c) Oo, dahil ang mga mamamayan ang nakakaranas ng mga suliraning ito kaya maari silang makapaghatag ng mga angkop na solusyon para dito. d) Hindi, dahil walang sapat na kakayahan at kaalaman ang mga mamamayan upang magsagawa ng mga plano at solusyon sa mga hamong pangkapaligiran. 32) Ayaw ng iyong tiyahin na magpabakuna laban sa COVID-19 dahil natatakot siya para sa magiging epekto nito sa kanyang kalusugan. Bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong maipayo sa kanya tungkol dito? a) Sabihing huwag nang magpabakuna dahil hindi talaga ligtas ang mga bakunang Made in China. b) Sabihing huwag nang magpabakuna dahil hindi naman ito makakatulong upang maiwasan ang sakit na COVID-19. c) Sabihing magpabakuna dahil kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa kanya dulot nito ay hindi naman siya nag-iisa. d) Sabihing magpabakuna dahil mababawasan nito ang mga sintomas na maaring maramdaman kung sakaling mahawa ng COVID-19. 33) Niyaya ka ng iyong mga kaibigan na pumunta sa kaarawan ng isa pa ninyong kaibigan. Magkakaroon daw ng isang malaki ngunit lihim na salu-salo. Alam mo na ang inyong lungsod ay nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at alam mo rin na bawal ang ganitong malaking pagtitipon. Ano ang mainam na gagawin mo? a) Pupunta ako sa salu-salo suot ang face mask at face shield. b) Pupunta ako sa salu-salo ngunit bibigyang pansin ko ang social distancing. c) Hindi ako pupunta sa salu-salo para kung magkahawahan ng COVID-19 ay hindi ako madadamay. d) Sasabihin ko sa kaibigan ko na ipagpaliban na lang ang pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan dahil hindi pa lubos na ligtas sa ngayon ang magdaos ng malaking pagtitipon. 34) Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa paglutas ng mga suliranin sa kapaligiran? a) Magbayad ng buwis b) Makinig sa mga balita sa radio c) Magsimba tuwing araw ng linggo d) Magtanim ng mga punong kahoy sa bundok 35) Ano ang maaaring maging epekto kung hindi natin sinusunod ang batas ng pamahalaan? a) Magkakaroon ng pagbaha b) Magkakagulo sa ating lipunan c) Masisira ang ating kabundukan d) Magiging maunlad ang ating bayan 36) Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa karanasan ng mga piling taong-bayan upang ipaglaban ang demokrasya? a) Ikinulong si Juvito Salonga director ng pelikulang Pilipino na dahil sa paratang na pasimuno ng ilegal na protesta. b) Ipinakulong si Behn Cervantes dahil kasabwat daw siya sa mga nagtatangkang patayin si Marcos ngunit nakatakas sa piitan noong 1977. c) Binaril at namatay si Jose Diokno habang pababa sa tarmac ng eroplanong kanyang sinasakyan sa Manila International Airport noong Agosto 21, 1983. d) Ikinulong si Ninoy Aquino dahil sa paratang na kasabwat ng mga gustong pumatay kay 37) Bakit nagkaroon ng capital flight sa bansa? a) Nawalan ng pera ang mga negosyante. b) Huminto ang mga negosyante dahil mayaman na sila. c) Ipinasara ng pamahalaan ang lahat ng nagnenegosyo. d) Inilipat ng mga negosyante ang kanilang negosyo sa ibang bansa. 38) Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paglabag ng karapatang pantao? a) Pag-agaw sa ari-arian ng isang tao. b) Pag-aresto at pagkulong sa isang tao ng walang warrant of arrest. c) Pagboto sa taong nais mong mahalal sa isang pwesto sa pamahalaan. d) Pagtawag na terorista sa isang tao o organisasyon na walang sapat na ebidensya o batayan. 39) Bakit ipinatupad ni Gloria Arroyo ang programang Pantawid Pamilyang Pilipino? a) Bigyan ng ayuda ang mahihirap na pamilya upang makapag-aral ang mga anak. b) Upang madagdagan ang kita ng pamahalaan at mabawasan ang utang ng bansa. c) Upang mapababa ang gastusin ng pagbiyahe ng mga tao at kalakal sa iba’t-ibang pulo. d) Upang tugunan ang lumalalang kriminalidad tulad ng kidnapping at bank robery sa 40) Bakit kinakailangang magbayad ng buwis ang bawat mamamayan? a) Ito ang susi ng karunungan b) Mahal natin ang ating bayan c) Ito ang magpapayaman sa ating bansa d) Dito kinukuha ang gastos sa mga proyekto ng pamahalaan at iba pang pangangailangan ng bansa 41) Ang mga sumusunod ay mga karapatang konstitusyonal, MALIBAN sa isa.Ano ito? a) Karapatan mula sa pang-aalipin b) Karapatang bumuto at humawak ng tungkuling pambayan c) Kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag, at matahimik na pagtitipon-tipon d) Karapatan laban sa di-makatwirang paghahalughog,pagsasamsam, at pag-aresto 42) Bakit madalas na dinadaanan ng bagyo ang ating bansa? a) Ang lokasyon ng ating bansa ay matatagpuan sa tropical zone. b) Ang lokasyon ng ating bansa ay matatagpuan sa polar region. c) Ang lokasyon ng ating bansa ay matatagpuan sa temperate zone. d) Ang lokasyon ng ating bansa ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. 43) Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging programa ni dating Pangulong Gloria Arroyo? a) Pag-akit sa mga local at dayuhang mamumuhunan. b) Pagpapatupad ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program c) Pagbuo ng mga livelihood program para sa mga walang trabaho at out of the school youth. d) Pagpapatibay ng batas hinggil sa Power Reform Program Act, Anti Money Laundering Act at E-VAT. 44) Ang mga sumusunod ang mga suliraning panlipunang kinahaharap ng ating bansa, maliban sa isa. Ano ito? a) Problema sa Kahirapan b) Malaking Bilang ng Populasyon c) Maraming pinagkukunang yaman d) Suliranin sa Ipinagbabawal na Gamot 45) Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng mamamayan maliban sa isa. Alin sa mga ito ang HINDI Kabilang? a) Matapat at maagap na pagbabayad ng buwis b) Paggalang sa batas at sa may kapangyarihan c) Pagtupad sa mga tungkuling panlipunan at pansibiko ng mamamayan d) Pagsali sa mga organisasyong may taliwas na hangarin sa pamahalaan 46) Ilang oras matapos nanumpa si Pangulong Aquino, itinakas ng mga Amerikano mula sa Malacanang ang pamilyang Marcos at ilang pinuno ng pamahalaan patungong Hawaii. Ito ba ay nagpapakita ng magandang HALIMBAWA para makaiwas sa gulo? a) Oo, para kapayapaan ng lahat b) Hindi, dahil patuloy pa rin ang kaguluhan c) Oo, dahil maipagpapatuloy na ang pansariling layunin. d) Hindi, dahil ayaw niyang harapin ang kanyang kasalanan sa sambayanang Pilipino 47) Maraming mga pagyayari at aspeto ang bumubuo at humuhubog sa lipunan mula noon hanggang sa kasalukuyan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kontemporaryong isyu? a) Ito ay mga isyu na napag-uusapan sa social media. b) Ito ay pangyayari sa buhay ng mga tao sa isang lugar. c) Ito ay mahalagang paksa na pinag-uusapan ng karamihan. d) Ito ay ang mga isyu na patuloy na nangyayari sa kasalukuyan. 48) Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t -ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan. Mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maaapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha sa kagubatan. Anong yaman ang tinatalakay sa talata? a) Yamang gubat b) Yamang lupa c) Yamang mineral d) Yamang tubig 49) Isa sa mga suliraning pangkapaligiran ng Pilipinas ay ang solid waste. Ano ang maaring sulosyon nito upang hindi lumala ang problema sa basura ang ating bansa? a) Ang mga nabanggit ay tamang kasagutan. b) Pagtapon ng tamang lalagyan ng mga basura. c) Pagkakaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura. d) Pagkakaroon ng kaalaman sa paghiwa-hiwalay ng mga uri ng basura. 50) Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa paglutas ng mga suliranin sa kapaligiran? a) Magbayad ng buwis b) Makinig sa mga balita sa radio c) Magsimba tuwing araw ng linggo d) Magtanim ng mga punong kahoy sa bundok
0%
Q4 - AP 6
Share
Share
Share
by
Roschelle2
Elementary
G6
AP
Edit Content
Print
Embed
More
Assignments
Leaderboard
Show more
Show less
This leaderboard is currently private. Click
Share
to make it public.
This leaderboard has been disabled by the resource owner.
This leaderboard is disabled as your options are different to the resource owner.
Revert Options
Quiz
is an open-ended template. It does not generate scores for a leaderboard.
Log in required
Visual style
Fonts
Subscription required
Options
Switch template
Show all
More formats will appear as you play the activity.
Open results
Copy link
QR code
Delete
Continue editing:
?