1) Ano ang tawag sa pagtitiwala sa Diyos? a) pagpapakumbaba   b) pagrespeto c) pakikipag-away d) pananalig 2) Ano ang pinauunlad natin na lumilikha ng kabutihan at sumusunod sa landas ng kabanalan? a) pagkabigo b) pagmamahal c) pagsubok   d) pananampalataya 3) Ano ang kailangang pagdaanan sa buhay ng tao upang lalong tumibay ang pananalig sa Diyos? a) kabutihan b) landas c) pagdarasal   d) pagsubok 4) Ano ang ibat-ibat _______ sa lahat ng ukol sa pananampalataya sa Diyos? a) antas   b) iisang c) pare-parehong d) wala 5) Iginagalang ni Ana ang kanyang matalik na kaibigan sa magkaiba nilang paniniwala. Ano ang pag-uugali ni  Ana? a) magalang b) matulungin   c) palakaibigan d) mahiyain 6) Iba-iba man ang ating paniniwala ngunit iisa lang ang pinaniniwalaan natin na may iisang Diyos Iba-iba man ang ating paniniwala ngunit iisa lang ang pinaniniwalaan natin na may iisang Diyos lamang. Ano ang ipinahihiwatig nito? a) May pananampalataya   b) Marunong makisama c) Maraming kaibigan d) Masipag sa gawain. 7) Pinapapayagan ni Aling Lydia ang kanyang mga anak na sumasama sa mga kaibigang may ibang paniniwala. Anong pag-uugali meron si Aling Lydia? a) May paggalang b) May pakikisama c) May paniniwala d) Maunawain 8) Nakikinig si Harold sa pastor kahit sila ay may magkaibang relihiyon. Ano ang pag-uugali ni Harold? a) Magalang b) Masungit c) Matapang d) Maunawain 9) Ano ang katangiang nagpapakita ng pagtitiwala sa Diyos? a) Paggalang b) Pagkawanggawa c) Pagmamalasakit d) Pananalig 10) Ano ang tawag sa daloy ng isipan at pag-uugali batay sa matataas na pamantayan ng kagandahang-asal? a) abanalan b) kaluwalhatian c) kapangyarihan d) karangyaan 11) Ang mga sumusunod ay mga lugar kung saan nagsisimba o nagdarasal ang mga tao. Alin ang hindi? a) Kapilya  b) Kusina c) Moske d) Simbahan 12) Kanino dapat humingi ng payo sa panahon ng matinding sakuna o problema? a) Sa Diyos   b) Sa kaibigan c) Sa kaklase d) Sa kapatid 13) Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagiging maka-Diyos? a) Laging nagdarasal bago kumain. b) Pagsunod sa mga utos ng Diyos. c) Humihingi ng tawad sa Diyos kapag may nagawang kasalanan. d) Laging pagsawalang bahala sa mga ginagawang masama sa kapwa. 14) Ano ang nais iparating nang larawan na ito? a) Paghingi ng tawad sa nanay dahil may sakit ito. b) Pagluhod sa harap ng nanay upang pasayahin siya. c) Pagdarasal sa Diyos na tulungang gumaling ang nanay. d) Paghingi ng tulong sa kapatid dahil may sakit ang nanay. 15) Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng MALING pahayag? a) Walang tamang sagot sa mga nabanggit. b) Lahat tayo ay may pinaniniwalaang Diyos. c) Ang pananalig sa Diyos ay makapangyarihan. d) Pare-pareho tayo ng antas ng pananampalataya. 16) Alin sa mga pangungusap ang nagsasabing may paniniwala sa Diyos? a) Gumagawa ng masama sa kapwa. b) Ninanakawan ang pitaka ng nanay. c) Nagdarasal bago umalis ng bahay. d) Kumakain ng masustansiyang pagkain. 17) Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng angkop na kilos sa pagsasabuhay ng pananampalataya? a) Pagdarasal kapag may nakakakita. b) Pagdarasal kung may hihilingin na biyaya.   c) Pagdarasal sa panahon ng sakuna. d) Pagdarasal bago kumain. 18) Alin ang halimbawa ng nagpapakita ng pananalig sa Diyos? a) Pambu-bully sa mga kaklase b) Pagsasalita ng masama sa kapwa c) Pagiging maramot sa mga pulubi   d) Pagdarasal bago matulog at paggising 19) Ano ang magandang gawi bago kumain? a) Magdasal b) Magharutan c) Magkuwentuhan  d) Maglaro 20) Ano ang unang hakbang sa pagdarasal? a) Pasasalamat b) Pagbibigay-puri   c) Paghingi ng kapatawaran d) Paghingi ng biyaya at lakas 21) Nakaratay sa matinding sakit si Aling Mona at sabi ng doktor ay wala na itong lunas. Ano ang dapat mong gawin? a) Magmukmok b) Magpakamatay c) Manalig sa Diyos d) Umiyak 22) Sumali si Ana sa patimpalak sa pag-awit. Bago magsimula ay nagdasal siya. Ano ang ugali ni Ana? a) Mayabang b) May pananalig sa Diyos c) Magalang d) May awa sa sarili 23) Nagkasakit ang kapatid mo. Kasalukuyang nasa ospital siya ngayon. Anong tulong ang maari mong gawin kahit malayo ka sa kanya? a) Magkunwaring hindi alam. b) Padalhan siya ng mga prutas. c) Magdasal para sa kanyang paggaling. d) Tawagan siya sa cellphone at kumustahin siya. 24) May pupuntang Pastor sa inyong bahay upang magbahagi ng mga salita ng Diyos. Ano ang nararapat mong gawin? a) Magtago sa kuwarto upang hindi ka makita. b) Makikinig sa mga aral na ibabahagi ng Pastor  c) Umalis ng bahay upang hindi ka tawagin na making sakanya. d) Paharapin ang nanay at tatay upang sila nalang ang making sa Pastor. 25) Ikaw ang inatasang magdasal para sa programa niyo sa paaralan? Ano ang gagawin mo? a) Sabihin sa kaklase na siya nalang ang magdasal.  b) Gawin ang makakaya upang makapagdasal ng maayos. c) Lumiban sa araw ng programa para iba nalang ang magdasal. d) Sabihin sa guro na nahihiya kang magdasal kapag madaming tao. 26) Kung ikaw ay may takot sa Diyos, ano ang nararapat mong gawin? a) maglaro sa simbahan  b) kumuha ng gamit ng kamag-aral c) pagtawanan ang paniniwala ng iba  d) mahalin at igalang ang magulang at kapwa 27) Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa Diyos? a) pagkakalat ng basura  b) pagmamalupit sa mga hayop  c) pagsuway sa utos ng magulang d) pagbibigay ng limos sa mga nangangailangan 28) Naririnig mo na nagdadaldalan ang mga katabi mo habang ginaganap ang misa. Ano ang dapat mong gawin? a) Sumali sa kanilang ginagawa.  b) Umuwi na lamang para hindi masangkot. c) Hayaan na lamang sila sa paggkukuwentuhan. d) Pagsabihan sila na itigil ang pakikipagdaldalan. 29) Nasunog ang inyong manukan dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Walang natira sa mga alagang hayop at sa madaling salita, bumagsak ang ikinabubuhay ninyo. Paano ninyo haharapin ang sitwasyon? a) Manalig sa Diyos. b) Hanapin ang salarin sa pagsunog. c) Sisihin ang mga kasapi ng pamilya dahil sa pagiging pabaya. d) Sunugin din ang manukan ng kapitbahay para malugi rin sila. 30) Nagkaroon ng masaganang ani ang inyong maisan at labis ang salaping napagbentahan ninyo. Paano mo maipapakita ang pasasalamat sa Panginoon? a) Magluto at nang matikman lahat.  b) Magdasal at magpasalamat sa Panginoon. c) Bigyan ng pagkain ang mga kamag-anak na mahihirap. d) Magbigay ng donasyon sa mga nangangailangan at nasalanta ng sakuna. 31) Nagtatakda ng oras ng pagdarasal ang inyong pamilya tuwing ika-anim ng gabi. Ano ang gagawin mo? a) Magkukunwaring masama ang pakiramdam. b) Makikibahagi sa pamilya sa sama samang pagdarasal. c) Magdarasal ka ng taimtim sa kalooban nang mag-isa. d) Pipikit para di mapansin na naatasan kang manguna sa pagdarasal. 32) Kailangan ng magdarasal sa inyong pagpupulong, ano ang iyong gagawin? a) Kunwari ikaw ay natutulog  b) Magbulontaryo na magdasal. c) Itinuro ang kaibian na magdasal. d) Pinagsawalang bahala ang narinig. 33) Nakaugalian ni Maria na magsimba tuwing Linggo upang magpasalamat sa mga biyayang natanggap. Ito ang turo sa kanya ng kanyang magulang. Anong gawi ang pinauunlad ni Ana sa kanyang pagkatao? a) Mabait b) Maka-Diyos   c) Malikhain d) Matapang 34) Isa sa mga naging susi ng pag-asenso ni Joy ang pananampalataya at pagsabuhay sa aral ng Diyos. Anong gawi ang nasasalamin kay Joy? a) May pangarap sa buhay. b) Walang tiwala sa kakayahan c) Walang paniniwala sa Diyos. d) May matatag na paniniwala sa Diyos. 35) Marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Lubos na naapektuhan ang pamilya mo kaya nagdesisyon ang magulang mo na pahintuin kayong magkakapatid sa pag-aaral. Paano ninyo tatanggapin ito? a) Tanggapin ang desisyon ng magulang ng may galit sa puso. b) Magalit sa mga magulang dahil sa kanilang naging desisyon.   c) Tanggapin ng maluwag sa kalooban ang desisyon ng magulang.  d) Ipaliwanag sa magulang ang nais na makapagtapos ng pag-aaral. 36) Hindi matanggap ni Tony ang pagkawala ng kaniyang lola. Sinisi niya ang sarili dahil hindi man lang niya naalagaan dahil sa pagiging abala sa pag-aaral. Ano ang maaari mong maitulong sa kanya? a) Tulungan ang kaibigan na bumawi sa lola. b) Unawain ang kaibigan at makiisa sa pagsisisi.  c) Sisihin ang kaibigan dahil sa hindi pag-aalaga sa lola.  d) Paliwanagan ang kaibigan na huwag sisihin ang sarili. 37) Nagkasakit ang ama ni Danny kaya napilitan siyang tumigil sa pag-aaral. Madami siyang problema na halos hindi na niya kayang lampasan. Ano ang pinakamabuti niyang gawin? a) Magkunwaring hindi alam. b) Humingi ng tulong sa mga pulitiko. c) Manalig sa Diyos na tulungan siya at humanap ng magandang pagkakakitaan. d) Magnakaw ng pera upang magkaroon siya ng gagastosin sa pagpapagamot sa kanyang tatay. 38) Nakaugalian ni Gina na magsimba tuwing Linggo upang magpasalamat sa mga biyayang natanggap. Ito ang turo sa kanya ng kanyang magulang. Anong gawi ang pinauunlad ni Ana sa kanyang pagkatao? a) Mabait b) Maka-Diyos c) Malikhain d) Matapang 39) Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng angkop na kilos sa pagsasabuhay ng pananampalataya? a) Pagdarasal bago kumain. b) Pagdarasal kapag may nakakakita  c) Pagdarasal kung may hihilingin na biyaya  d) Pagdarasal sa panahon ng sakuna at paggpapasalamat kapag may natanggap na biyaya 40) Bakit mahalagang magkaroon ng pananalig sa Diyos? a) Dahil pinaniniwalaan ng lahat ito. b) Dahil ito ang gusto ng mga matatanda  c) Dahil marami kang kasalanan na dapat ipagpatawad sa Diyos. d) Dahil ito ang nagtuturo at nagbibigay sa atin ng kaliwanagan sa pagiging isang mabuting tao. 41) Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa Diyos? a) Magdasal lang kapag may kailangan. b) Huwag pansinin ang mga turo ng mga Pari/Pastor. c) Maglakwatsa tuwing Linggo at huwag ng pumunta sa simbahan. d) Palaging magdasal at magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang natatanggap. 42) Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng angkop na kilos sa pagpapaunlad ng pananampalataya? a) Pagsabi ng totoo sa lahat ng oras. b) Pag-iwas sa masamang bisyo at sugal. c) Pagdarasal bago pumasok sa paaralan.   d) Natutulog kapag nasa loob ng simbahan. 43) Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagpapaunlad sa pananampalataya, maliban sa isa. Ano ito? a) Sumasali si Gina sa programa ng simbahan.  b) Nagpapsalamat si Uno sa mga biyayang natanggap.  c) Nagbigay ng donasyon ang magkakaibigan sa mga nasunugan.  d) Ayaw ni Lex na magsimba dahil inaantok daw siya kapag nasa loob ng simbahan. 44) Isa sa mga naging susi ng pag-asenso ni Maricar ang pananampalataya at pagsasabuhay sa aral ng Diyos. Anong gawi ang nasasalamin kay Maricar? a) May pangarap sa buhay. b) Walang paniniwala sa diyos. c) Walang tiwala sa kakayahan. d) May matatag na paniniwala sa diyos at may tiwala sa kakayahan. 45) Bakit mahalaga ang pananalig sa Diyos at paggawa ng kabutihan sa ibang tao? a) Sapagkat may mga relihiyon tayong dapat sundin at pagyamanin.  b) Sapagkat may makukuha tayong gantimpala sa mga kabutihang ginawa natin sa iba.  c) Sapagkat numang ginagawa natin sa kapwa ay para na ring gumagawa ng bagay sa Diyos  d) Sapagkat sa bawat kabutihang ginawa natin sa ating kapwa ay kapalit ng kapatawaran ng ating mga kasalanan. 46) Alin sa mga sumusunod ang HINDI kahulugan ng espiritwalidad? a) Ito ay pagpapakitang tao lamang sa kapwa upang maipagyabang ang kabutihang nagawa. b) Malalim na pagpapakahulugan sa buhay at paniniwala ng isang tao na may kinalaman sa Diyos. c) Gumagabay sa isang tao upang makapamuhay nang masaya at payapa, may kinatatakutan na Diyos. d) Ito ay may kinalaman sa relihiyon na pinaniniwalaan at sa kanyang malalim na pananaw sa ispiritwal na buhay. 47) Paano mapauunlad ang ispiritwalidad na may positibong pananaw? a) Iginagalang at nirerespeto ang paniniwala ng bawat isa.  b) Walang pakialam sa mga problemang kinakaharap ng mga tao  c) Tumutulong sa mga nangangailangan subalit palaging naghihintay ng kapalit. d) Nagsisimba tuwing Linggo ngunit hindi tumutulong sa mga nangangailangan. 48) Ang mga sumusunod ay mga gawain na maaaring magpalalim ng ating pananalig MALIBAN sa isa. Ano ito? a) Gumagawa ng kusang loob.  b) Gumagawa ng kabutihan sa kapwa. c) Tumutulong sa mga nangangailangan.  d) Nagrereklamo sa mga naiatang na responsibilidad. 49) Inilunsad ng pamahalaan sa inyong lugar ang proyektong pangkalusugan. May mahalaga kang pupuntahan kaya hindi ka makakalahok sa proyekto. Paano mo ipakikita ang pagiging maka-Diyos sa pagkakataong ito? a) Hindi na lang makilalahok sa proyekto ng pamahalaan kasi mas mahalaga ang pupuntahan. b) Isa sa mga batas na inilunsad ng pamahalaan ay ang pagbawal sa paglabas ng bahay ng walang “face mask at face shield”. c) Kahit na may mahalagang pupuntahan, susundin ko pa rin ang proyektong inilunsad ng pamahalaan at tutulong din sa mas nangangailangan. d) Makilalahok sa proyekto ng pamahalaan ngunit hindi susundin ang mga kasunduang pangkalusugan. Hindi papansin ang proyektong pangkalusugan ng pamahalaan sapagkat may kakayahan naming magpagamot sa isang pribadong ospital. 50) Isa ang inyong pamilya sa inyong lugar ang may patahian at bilihan ng mga tela. Paano ka makatutulong sa mga taong walang pambili ng mga ito? a) Gagawa kami ng maraming facemask para ibenta sa mga kapitbahay.  b) Hahayaan ko lang kung wala silang pambili ng facemask hindi ko naman sila kaano-ano. c) Hihikayatin ko ang aking pamilya na gumawa ng facemask at ipamimigay ito ng libre sa walang pambili.  d) Hihikayatin ang mga kapitbahay na magtahi ng kanilang facemask sa aming patahian kapalit ng kunting bayad.

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?