1) Ito ay isang mabisang gabay sa ating mga pagpapasiya sa buhay at nagpapahayag ng kabuluhan ng buhay.  a) Motto b) Kredo c) Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay d) Dream Plan 2) Itoy isa sa mga instrumento ng pagpapasya kung saan pinagninilayan natin ang sitwasyon, naghahanap tayo ng mga impormasyon at tinitimbang natin ang mga kabutihan at kakulangan sa ating mga pamimilian. a) Damdamin b) Isip c) Talento d) Kasanayan 3) Ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya ay_________. a) Pagpapahalaga b) Mithiin c) Kasanayan d) Talento 4) Pangarap ni Josh na maging abogado (lawyer) at siya ay mahusay sa pakikipagtalastasan. Anong track o strand sa Senior High School na dapat niyang kunin? a) Academic Track - STEM b) Academic Track - ABM c) Academic Track - GAS d) Academic Track - HUMMS 5) Kung ikaw ay magsasagawa ng pagpapasya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na gagawin mo? a) Maghanap ng karagdagang kaalaman b) Umasa at magtiwala sa Diyos c) Isaisip ang mga posibilidad d) Tingnan ang kalooban 6) Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang sangkap sa proseso ng pagpapasya? a) Panahon b) Kalayaan c) Damdamin d) Pagpapahalaga 7) Ang proseso ng kilos ng tao na nakatutulong sa mas malinaw na pagkilala ng pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.  a) Pagkalap ng Kaalaman b) Pag-aaral na muli ng Pasya c) Pagninilay sa mismong Aksyon d) Mabuting Pagpapasya 8) Ang kilos ng tao na gumaganap ng mahalagang papel sa pang- araw araw na gawain sa pagsasakatuparan ng kanyang mga plano, mithiin at mga balakin sa buhay. a) Pagpapasya b) Mithiin c) Pangarap d) Kalayaan 9) Ang pahayag na ito ay nagtuturo na kung sa simula pa lamang ay alam na natin ang gusto nating  mangyari sa ating buhay ay hindi na magiging mahirap ang iba pang mahahalagang pagpapasiya. a) start dreaming b) begin with the end in mind c) plan your career d) know the result of your action 10) Bakit mahalagang magkaroon ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ang tao? a) Upang magkaroon siya ng kredo o motto sa buhay b) Upang magkaroon siya ng gabay sa mga pagpapasiya c) Upang higit na makilala ng tao ang sarili at kung ano ang nais niyang patunguhan d) Upang magkaroon siya ng tamang direksyon sa pagkakamit ng kanyang mga layunin sa buhay 11) Ayon kay Sean Covey, nagkakaroon lamang ng kapangyarihan o bisa ang misyon natin sa buhay kung: a) Kinikilala nya ang kaniyang tungkulin sa kapwa b) Nakikilala ng tao ang kanyang kakayahan at katangian c) Nagagamit sa araw-araw ng mayroong pagpapahalaga d) Nagagampanan ng balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad 12) Mahusay sa pagkukumpuni ng personal computer si Riza. Anong track o strand nabibilang ito sa dapat niyang kunin sa Senior High School? a) Academic Track - STEM b) Academic Track - ABM c) Tech-Voc Track- ICT: Computer System Servicing d) Tech-Voc Track- Home Economics: Cookery 13) Alin sa mga sumusunod ang tunay na kahulugan ng personal na misyon sa buhay? a) A. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong mangyari sa buhay. b) Ito ay magandang paraan upang makilala ang iyong sarili. c) Ito ay batayan ng tao ng kanyang pagpapasya. d) Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapwa. 14) Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tamang dulot ng pagpapasiya? a) Ang pagpapasiya ay makabubuti sa sarili lamang. b) Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. c) Kailangan ng tao ng gabay sa pagpapasiya upang hindi siya magkamali. d) Nauunawaan ang kahalagahan nito sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao. 15) Kinakailangang isalang-alang ang ating damdamin sa pagpapasya upang matiyak na kagustuhan natin ang ating pinipili.  a) Upang hindi mabigo sa pagsasagawa ng pagpapasya b) Upang maunawaan tayo ng iba kung ano at saan nagmumula ang ating pagpapasya c) Upang hindi tayo mahusgahan na wala pa sa tamang edad ang ginagawa nating pagpapasya d) Upang maunawaan ng iba na ang ating pagpapasya ay nanggaling sa aspektong intelektuwal

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?