1) Ano ang tawag sa pangungusap na naglalahad ng isang katotohanan o nagbibigay ng impormasyon? a) Pasalaysay b) Patanong c) Pautos d) Padamdam 2) Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng patanong na pangungusap? a) Pakipasa ang asukal b) Magkano ang halaga ng isang kilo ng mangga?" c) Napakasarap ng niluto mo!" d) Maraming tao sa palengke ngayon." 3) Piliin ang halimbawa ng pautos na pangungusap. a) Maaari ba akong makahiram ng lapis?" b) Nasaan ang susi ng kotse?" c) Mag-aral ka nang mabuti para sa iyong eksam. d) Nanalo syA sa paligsahan 4) Anong uri ng pangungusap ang ginagamit para ipahayag ang matinding damdamin o emosyon? a) pasalaysay b) patanong c) pautos d) padamdam 5) Sa pagkilatis ng produkto, bakit mahalaga ang paggamit ng patanong na pangungusap? a) Upang mag-utos sa iba na suriin ang produkto. b) Upang ipahayag ang iyong kasiyahan o pagkadismaya sa produkto. c) Upang maglahad ng impormasyon tungkol sa produkto. d) Upang magtanong tungkol sa mga detalye, kalidad, at presyo ng produkto.

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?