1) Ano ang tawag sa mga basurang nagmumula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason ? 2) Ilang tonelada ng basura ang nalikha ng Pilipinas kada araw noong taong 2015? 3) Ilang bahagdan ng basura sa Pilipinas ang nagmumula sa mga tahanan o kabahayan? 4) Ibigay ang apat na saklaw ng kontemporaryong isyu? 5) Ano ang isa sa mga pangunahing dahilan bakit hindi malutas ang problema ng Pilipinas sa solid waste? 6) Ito ay tumutukoy sa mga kalamidad na dulot ng pagbabago sa normal na estado ng kalikasan. 7) Ibigay ang pitong uri ng natural disasters? 8) Ibigay ang apat na saklaw ng kontemporaryong isyu? 9) Ibigay ang dalawang uri ng hazard? 10) Magbigay ng halimbawa ng natural na hazard? 11) Magbigay ng halimbawa ng anthropogenic hazard? 12) Ano ang tawag sa katas ng mga basura? 13) Ito ay isang malaking unos, mayroon itong isang pabilog o spiral na sistema ng marahas at malakas na hangin na may dalang mabigat na ulan, karaniwan daan-daang kilometro o milya sa diameter ang laki? 14) Ito ay isang uri ng kalamidad kung saan umaapaw at tumataas ang lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang tigil na pag-ulan sa komunidad. 15) Ito ay isang biglaan at mabilis na pagyanig ng lupa na dulot ng bumibigay na mga batong nasa ilalim ng lupa. 16) Anong ahensya ng gobyerno ang siyang responsable sa pagsubaybay sa kalagayan ng panahon sa Pilipinas? 17) Ito ay isang uri ng kalamidad kung saan sumasabog ang puwang o siwang sa ibabaw ng lupa, ito ay karaniwang nasa anyong bundok o burol. 18) Anong uri ng disaster kapag bumagsak ang lupa, putik o malaking bato at nangyayari ito nang mabilisan at minsan walang babala? 19) Ang ________ ay bahagi ng paggawa ng disaster management plan kung saan ginagawa ito upang maiwasan ng hazard? 20) Ang _______ ay bahagi ng paggawa ng disaster management plan kung saan ginagawa ito upang mabawasan ang malubhang ng hazard? 21) Ito ay isang uri ng disaster kung saan hindi pangkaraniwang ang pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin? 22) Ito ay uri ng disaster kung saan may mga serye ng malalaking alon na nililikha ng pangyayari sa ilalim ng dagat tulad ng paglindol, pagguho ng lupa, pagsabog ng bulkan, o oras sa malawak na karagatan at humampas sa lupa dala ang mga alon na umaabot ng 100 talampakan o higit pa. 23) Ano ang dalawang approaches sa paggawa ng Disaster Management Plan? 24) Magbigay ng 3 halimbawa ng likas nayaman ng Pilipinas? 25) Magbigay ng 5 halimbawa ng gawain ng tao na nakasira sa ating yamang gubat? 26) Ang ______ ay ang Ilegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan. Ang kawalan ng ngipin sa pagpapatupad ng mga batas sa illegal logging sa Pilipinas. 27) Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan.  28) Ito ay uri ng hazard na tumutukoy sa mga bunga ng mga gawain ng tao? 29) Magbigay ng 3 halimbawa ng anthropogenic hazard? 30) Ito ay uri ng hazard na tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. 31) Magbigay ng 7 halimbawa ng natural hazard? 32) Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya 33) Ito ay tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. 34) Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad. 35) Sinong membro ng lipunan ang tinatawag na vulnerable o madaling maapektuhan kung sakaling may tumamang disaster sa kanilang lugar? 36) Ito ay tumutukoy sa katatagan at kakayahan ng isang komunidad g pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. 37) Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. 38) Ano ang ibig sabihin ng daglat na CBDRM? 39) Ano ang kabuuang salita sa daglat na MRF? 40) Ano ang RA 9003 ? 41) Ibigay ang dalawang katangian ng hazard assessment? 42) Ibigay ang 7  pisikal na katangian ng hazard? 43) Ibigay ang 5 temporal na katangian ng hazard? 44) Ito ay isa sa temporal na katangian ng hazard kung saan tumutukoy ito sa dalas ng pagdanas ng hazard. 45) Ito ay kabilang sa temporal na katangian ng hazard kung saan dito natin malalaman kung gaano katagal mararanasan ang hazard. 46) Ito ay isa sa temporal na katangian ng hazard kung saan tumutukoy ito kung gaano kabilis ng pagtama ng isang hazard. 47) Ibigay ang tatlong kategora ng vulnerability assessment? 48) Ibigay ang tatlong kategorya ng capacity assessment? 49) Magbigay ng tatlong halimbawa ngyamang lupa? 50) Magbigay ng 3 halimbawa ng yamang tubig? 51) Magbigay ng mga halimbawa ng yamang mineral.

1st Q Grade 10 Oral Recitation

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?