1) Natalakay ni Ma’am Allen sa G8-CSA ang konsepto ng nasyonalismo. Ayon sa kanya ang pagmamahal na ito sa bansa ay mayroong mabuti at masamang dulot na makikita sa mga kaganapan noong Unang Digmaang Pandaigdig. Alin ang nagpapakita nito? a) Mabuting dulot nito ang pag-asam ng mga tao na makalaya, masamang dulot ay labis na pagmamahal. b) Mabuti ang dulot nito sa pagbubuklod ng mga tao sa isang layunin, masamang ay ang pag-aasam na makilala kahit sa paraan ng pananakop. c) Mabuting dulot nito ang pananakop ng bansa, masamang dulot nito ang pagtangkilik sa sariling produkto. 2) Binanggit ni Sir Raymark sa G8-ROM na ngayong 2024 ang ika-79 taon ng pagkakatatag ng United Nations. Bilang isang pandaigdigang samahan, ano ang naging epekto ng pagkakatatag nito? a) Maganda, dahil malaki ang naging tulong ng mga programa sa pag-unlad ng mga bansa at paglutas ng mga problema.Gold b) Masama, dahil mayroon pa ring mga kaguluhan tulad ng Russia at Ukraine c) Maganda at masama, maganda ang epekto dahil nagkaroon ng pagkakasundo ang mga bansa at nakatulong ang mga programa sa pag-angat ng mga bansa, ngunit masama naman dahil tuloy pa rin ang ilang kaguluhan sa ilang mga bansa. 3) Napansin ni Michi na tila hindi nagpapansinan sina Ivy at Peter, napabulong siya ng “parang may cold war sila.” Ang salitang cold war ay nabuo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagkaroon ng di tuwirang tunggalian sa pagitan ng US at USSR, ito ay tinawag na Cold War. Sa paanong paraan naipakita ang cold war sa pagitan ng dalawang bansa? a) Nagpaunahan ang US at USSR sa pagpunta sa space. b) Matapos ang WW2 nahati ang daigdig sa Western Bloc sa ilalim ng Capitalist US, at Eastern Bloc ng Communist USSR. c) Ang US at USSR ay nagkaroon ng hidwaan sa aspektong pangdiplomatiko, pang-ekonomiko, pangmilitar, ideolohiya, at siyensiya. 4) Tinanong ni Sir Edgardo sa G8-KDT, “Sa kabila ng pagpapadala ng kinatawan ng Japan sa USA upang makipag-usap sa isyu sa supply ng langis, nagdeklara ng pakikipagdigma ang USA sa Japan. Ano ang dahilan nito?” a) Nais ng Japan na bilhin sa mababang halaga ang langis. b) Pataksil na binomba ng Japan ang Pearl Harbor sa araw na sila ay nakikipagdiskusyon sa US tungkol sa suplay ng langis. c) Nilusob ng Japan ang Pearl Harbor na base ng US sa Pasipiko kung saan maraming namatay at nasirang kagamitan. 5) Ang mga pandaigdigang organisasyon sa daigdig ay malaki ang tulong sa pag-unlad ng mga bansa. Alin sa mga sumusunod ang kadalasang layunin ng mga organisasyong ito? a) Pagpapalakas ng ekonomiya b) Pagpapalakas ng ekonomiya at politika c) pagpapalakas ng ekonomiya, politika, at Kristiyanismo 6) Naganap ang Holocaust o genocide sa mga Hudyo sa pamumuno ni Hitler. Isinisi niya ang lahat ng naranasang pagkatalo ng Germany sa mga Hudyo. Pinahuli niya ang mga Hudyo at pinatay sa pamamagitan ng mass shooting, at gas chambers. Batay sa mga natalakay at kaalamang nabahagi sa subject na ESP, makatuwiran ba ang ginawa ni Hitler sa mga Hudyo? a) Hindi, dahil kailan man ay wala silang karapatan na ilagay sa sariling kamay ang buhay ng sino mang tao. b) Oo, dahil hindi makakatulong ang mga Hudyo sa kanyang hangarin. c) Hindi, dahil hindi naman kasalanan ng mga Hudyo kung ano man naranasan nila. 7) Ang Komunismo ay isang ideolohiyang pangkabuhayan na ipinakilala ni Karl Marx. Nais ni Ma’am Majji ng pinakamalinaw na pahayag na maglalarawan sa ideolohiyang ito. Ano ang pipiliin mo batay sa mga pahayag na nasa ibaba? a) Layunin ng komunismo na magkaroon ng pagkakapantay-pantay. b) Layunin ng komunismo na tuluyang buwagin ang di-pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan batay sa uri o class. c) Ang produksiyon ay kolektibong pagmamay-ari ng lahat. 8) Si Antonio Manuel Lagdameo ang representative ng Pilipinas sa United Nations’ General Assembly. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pinakaangkop na pahayag sa ginagampanan ng sangay na General Assembly? a) Ito ang sangay na tagapag batas ng samahan. b) Dito ginagawa ang lahat ng pagpupulong. c) Ito ang sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng mga bansa. 9) Dahil sa mga naganap na digmaan na nasangkot ang maraming mga bansa, nagnais ang mga bansa na bumuo ng organisasyon na magbubuklod sa bawat bansa. Nagdulot din ito ng pagkakabuo ng iba pang mga organisasyon na kasapi ang mga bansa sa buong mundo. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng samahan na malayang lumahok ang bawat bansa sa daigdig? a) Nabibigyan ng karapatan ang mga bansa na maging kabahagi ng layunin ng isang samahan. b) Hindi kinakailangan na magbayad ng membership fee upang maging kabahagi ng samahan. c) Makikita na walang diskriminasyon sa pagtanggap ng kasapi ng samahan hangga’t pasok ito sa katangian na kinakailangan sa samahan tulad ng geographical na lokasyon ng ASEAN. 10) Ang Pilipinas ay naghangad na makalaya sa kamay ng mga mananakop at pangalagaan ang mga kalahi. Ang pagmamahal sa sariling bayan ay isa sa mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ano ang salitang ito? a) Patriotism b) Militarismo c) Nasyonalismo 11) Makikita sa Pilipinas ang impluwensiyang dulot ng neokolonyalismo. Malawak ang impluwensiya ng ibang bansa sa ating bansa sa tulong na rin ng social media at iba pang websites. Sa paanong paraan ito naipapakita sa social media at websites? a) A. Mga palabas na foreign sa Netflix at Bilibili b) B. Shopping ng foreign products sa Shein at Lazada c) Tama ang A at B 12) Ang militarismo ay tumutukoy sa pagpapalakas ng sandatahang lakas ng isang bansa. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapalakas ng sandatahang lakas? a) Pagbili ng mga armas at bala b) Lahat ng nabanggit c) Pagbili ng mga sasakyang pandigma-lupa, dagat, himpapawid 13) Ang UNICEF o United Nations International Children’s Emergency Fund ay binuo ng General Assembly noong 1946. Layunin nitong matulungan ang mga kabataang nangangailangan sa buong mundo. Ang UNICEF ambassador sa Pilipinas ay sina Anne Curtis at Gary Valenciano. Bilang isang ambassador ng UNICEF, alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting programa at beneficiary? a) Scholarship hanggang kolehiyo sa mga batang kasapi ng indigenous people tulad ng Bagobo, Manobo, T’boli, at iba pa. b) Pagbibigay ng house and lot sa lahat ng mga batang hamog o batang lansangan. c) Pagbibigay ng buwanang pinasiyal na ayuda sa lahat ng mga tao. 14) Ang mga Pilipino ang naghahalal ng mga nanunungkulan sa pamahalaan at mayroon ding kalayaan ang mga Pilipino na magnegosyo. Batay dito, anong ideolohiyang pampolitika at pangkabuhayan ang mayroon sa Pilipinas? a) Awtoritaryanismo, at Sosyalismo b) Totalitaryanismo, at Kapitalismo c) Demokrasya, at Kapitalismo 15) 6. Ang Cold War sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa ay nakapagdulot ng maganda at masamang epekto. Suriin ang mga pahayag kung ito ay nagpapakita ng masama o magandang epekto ng cold war: a) Masama ang I at IV, habang maganda ang II at III b) Masama ang III at IV, habang Maganda ang I at II c) Masama ang I, II at III, habang Maganda ang IV 16) Ito ang tawag sa apat na bansang nanguna matapos ang World War I na kinabibilangan ng France, Great Britain, Italy, at US. a) ALYANSA b) BIG FOUR c) LEAGUE OF NATIONS/ LIGA NG MGA BANSA 17) Ito ay tumutukoy sa pagkakampihan ng mga bansa. a) ALYANSA b) BIG FOUR c) LEAGUE OF NATIONS/ LIGA NG MGA BANSA 18) Ito ang tawag sa pandaigdigang samahang nabuo matapos ang World War I. a) ALYANSA b) BIG FOUR c) LEAGUE OF NATIONS/ LIGA NG MGA BANSA 19) Bansang nakipagsanib sa Germany na tinawag na “Anschluss.” a) JAPAN b) ITALY c) GERMANY d) AUSTRIA 20) Siya ang tagapagmana ng kaharian ng Austria-Hungary na pinatay noong bumisita sa Serbia. a) ARCHDUKE FRANZ FERDINAND b) NEIL ARMSTRONG c) ADOLF HITLER 21) Uri ng ideolohiya na layuning tuluyang buwagin ang di pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan batay sa uri na kanilang kinabibilangan. a) ALYANSA b) KOMUNISMO c) JAPAN d) ITALY 22) Ito ay isang bansang Asyano na sumalakay sa Pearl Harbor. a) AUSTRIA b) PILIPINAS c) JAPAN d) ITALY 23) Bansang kasapi ng Triple Alliance na tumiwalag at naging neutral hanggang matapos ang World War I. a) RUSSIA b) USA c) JAPAN d) ITALY 24) Ito ang tawag sa alyansang binubuo ng France, Russia, at US noong World War II. a) ALLIED POWERS b) AXIS POWERS c) ASEAN d) SECURITY COUNCIL 25) Ito ang tawag sa alyansang binubuo ng Germany, Italy, at Japan noong World War II. a) ALLIED POWERS b) AXIS POWERS c) ASEAN d) SECURITY COUNCIL 26) Ito ay isang samahang naglalayon ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa Southeast Asia. a) ALLIED POWERS b) AXIS POWERS c) ASEAN d) SECURITY COUNCIL 27) Sangay ng United Nations na may kapangyarihang pampolisiya na layuning panatilihin ang kapayapaan at seguridad ng mga bansa. a) ALLIED POWERS b) AXIS POWERS c) ASEAN d) SECURITY COUNCIL 28) Siya ang unang taong nakatapak sa buwan. a) NEIL ARMSTRONG b) ADOLF HITLER c) LAIKA 29) Siya ang pinuno ng Germany na nanguna sa pananakop ng Nazi sa Europa. a) NEIL ARMSTRONG b) ADOLF HITLER c) LAIKA 30) Ito ang pangalan ng unang asong ipinadala ng USSR sa kalawakan. a) NEIL ARMSTRONG b) ADOLF HITLER c) LAIKA 31) Sinakop ng Germany ang Poland. a) SANHI b) BUNGA 32) Nabuo ang United Nations. a) SANHI b) BUNGA 33) Tumiwalag ang Germany at Italy sa League of Nations dahil sa pagbabawal nito sa pag-aarmas. a) SANHI b) BUNGA 34) Pinalakas ng mga bansa ang kanilang militari dahil sa kakulangan ng tiwala sa karatig bansa. a) SANHI b) BUNGA 35) Tinatayang umabot ng 8,500,000 katao ang namatay sa labanan. a) SANHI b) BUNGA 36) Ang United Nations ay nilagdaan ng unang 100 na kasapi nito noong 1945. a) TAMA b) MALI 37) Ang pandaigdigang organisasyon na OIC ay nangangahulugang Organization of Intercontinental Countries. a) TAMA b) MALI 38) Ang kapitalismo ay isang ideolohiya na nakasentro sa kalayaang magnegosyo kung saan nagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan. a) TAMA b) MALI 39) Ang pandaigdigang organisasyon na WTO ay nangangahulugang World Transportation Organization. a) TAMA b) MALI 40) Ang awtoritaryanismo ay isang ideolohiya kung saan may lubos na kapangyarihan ang pinuno sa nasasakupan nito. a) TAMA b) MALI
0%
AP8 Q4 REVIEWER
Share
Share
Share
by
Maryangeliroble
G8
AP
Edit Content
Print
Embed
More
Assignments
Leaderboard
Show more
Show less
This leaderboard is currently private. Click
Share
to make it public.
This leaderboard has been disabled by the resource owner.
This leaderboard is disabled as your options are different to the resource owner.
Revert Options
Quiz
is an open-ended template. It does not generate scores for a leaderboard.
Log in required
Visual style
Fonts
Subscription required
Options
Switch template
Show all
More formats will appear as you play the activity.
Open results
Copy link
QR code
Delete
Continue editing:
?