1) Ito ay malawak na tubig na bumabalot sa malaking bahagi ng mundo. a) Dagat b) Karagatan c) Lawa d) Ilog 2) Ito ay malawak na anyong tubig ngunit mas maliit kaysa sa karagatan. a) Dagat b) Talon c) Karagatan d) Ilog 3) Ito ay mahabang anyong tubig na umaagos patungong dagat. a) Dagat b) Lawa c) Ilog d) Bukal 4) Ito ay malawak na tubigan na napapaligiran ng lupa. a) Talon b) Look c) Dagat d) Lawa 5) Tubig na sumusulpot mula sa mga siwang ng bato na dumadalisdis sa bundok. a) Talon b) Bukal c) Batis d) Golpo 6) Daluyan ng tubig na nanggagaling sa bukal. a) Lawa b) Batis c) Bukal d) Ilog 7) Tubig na bumubulusok o nalalaglag mula sa mataas na anyong lupa. a) Batis b) Ilog c) Talon d) Look 8) Tubig na hindi ganap na napaliligiran ng lupa at may bungad na pinapasukan at nilalabasan ng tubig mula sa karagatan. a) Dagat b) Karagatan c) Kipot d) Look 9) Bahagi ng mas malaking anyong tubig na naliligiran ng lupa ngunit may makitid na bukana ng karagatan. a) Dagat b) Golpo c) Karagatan d) Look 10) Makitid na lagusan ng tubig na nag-uugnay sa dalawang dagat o malaking anyong tubig. a) Dagat b) Look c) Golpo d) Kipot

AP 8- WEEK 2 LESSON 1 (ANYONG TUBIG)

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?