1) Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kaisipan sa bahaging “Kay Celia?”  a) Labis-labis ang pagmamahal ni Francisco kay Celia kaya hindi niya ito malilimutan. b) Inialay ni Francisco ang Florante at Laura sa kanyang kapwa Pilipino. c) Inialay ni Francisco ang Florante at Laura kay Celia tanda ng kanyang tapat na pag-ibig. d) Sinuyo ni Francisco si Celia kaya niya isinulat ang Florante at Laura. 2) Ano ang naging damdamin ni Francisco sa bahagi ng Florante at Laura na “Kay Celia." a) nagpapaalam b) nangangamba c) nangungulila d) nagagalak 3) May mga mahahalagang pangyayaring tinutukoy sa bahaging “ Kay Celia,” alin ang naiiba? a) Binanggit ni Francisco na si Celia ang naging dahilan ng kanyang pagkakakulong. b) Isiniwalat ni Francisco na si Celia ay si M.A.R. c) Inilahad ang kanyang pag-ibig kay Celia na babaunin niya hanggang kamatayan. d) Inaalala ni Francisco ang masasayang suyuan nila ni Celia. 4) Alin sa sumusunod ang pangyayaring nagpapakita na inaalala at hindi nalilimutan ni Francisco si Celia? a) Kusang inilimbag niya sa kaniyang puso at panimdim ang larawan ni Celia. b) Isiniwalat niya na si Celia ay may sagisag na M.A.R. c) Binanggit niya na ang kanyang pag-ibig ay dadalhin niya hanggang kamatayan. d) Ginunita niya ang masasaya nilang suyuan sa Ilog Beata at Hilom. 5) Anong kaisipan ang nakapaloob sa saknong na nasa loob ng kahon? a) Huwag lalapatan ng tugtog at musika b) Huwag tawanan at dustuin ang kaniyang likhang tula. c) Huwag pakamahalin ang kanyang likha d) Huwag babaguhin ang berso. 6) Aling saknong ang nagpapakita ng tapat na pag-ibig kay Celia? a) b) c) d) 7) Kanino inialay ang damdaming nakapaloob sa Florante at Laura ni Francisco Baltazar? a) Maria Ana Ramos b) Magdalena Asuncion c) Magdalena Ana Ramos d) Maria Asuncion Rivera 8) Ang sumusunod ay mga pangunahing kaisipan sa bahaging “Sa Babasa Nito “ maliban sa isa . a) Huwag tutulad kay Francisco sa pagsulat ng awit. b) Basahin ang simula hanggang dulo ng awit upang maunawaan ang kabuuang kuwento at makita ang kagandahan nito. c) Huwag babaguhing ang kanyang sariling berso. d) Sumangguni sa talababa upang maunawaan ang kahulugan ng mga salitang may tandang letra. 9) Aling saknong ang nagpapakita ng tagubilin ni Balagtas na basahin ang kanyang likha sa simula hanggang dulo upang maunwaan ito nang mabuti. a) b) c) d) 10) Ano ang damdaming namayani sa kasunod na saknong. a) paghihimutok b) pangamba c) pangungulila d) pag-alala 11) May pangarap sa buhay si Francisco Baltazar kahit mahirap lamang ang kanyang pamilya. a) Tama b) Mali 12) Inialay ni Francisco kay Magdalena Ana Ramos ang awiting “Florante at Laura.” a) Tama b) Mali 13) Namasukan bilang katulong si Francisco sa kanilang kamag-anak na Trinidad sa Tondo upang masuportahan ang ng pangangailangan kanyang pamilya. a) Tama b) Mali 14) Tinuruan ni Jose dela Cruz na kilalang Husing Sisiw si Baltazar sa pagsulat ng tula kaya natuto siyang humabi ng tula. a) Tama b) Mali 15) Ang tinagurian niyang Celia ni Francisco ay si Maria Asuncion Rivera. a) Tama b) Mali 16) Nabilanggo si Francisco sa piitan ng Pandacan dahil sa bintang na ginawa ng mga magulang ni Maria Asuncion Rivera. a) Tama b) Mali 17) Napangasawa ni Francisco sa Udyong,Bataan si Juana Tiambeng kahit tutol ang mga magulang ni Juana dahil napakalaki ng agwat ng edad ni kiko kay Juana. a) Tama b) Mali 18) Likas na mapaghanap ng gulo si Kiko dahil napagbintangan siya na pinanot niya ang ulo ng isang mayamang anak ng alperes. a) Tama b) Mali 19) Naubos ang kayamanan ni Juana Tiambeng nang gamitin ito sa pagtatanggol sa kaso ni kiko. a) Tama b) Mali 20) Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa pinakamensaheng nais ipabatid ng isang akda. a) Tama b) Mali 21) Ipinaalam ni Francisco ang ilan niyang mga tagubilin sa bahaging “ Kay Celia.” a) Tama b) Mali 22) Tinagurian ni Francisco si Maria Asuncion Rivera ng “Celia” pagkat inihalintulad niya ito kay Sta Cecelia na patron ng musika dahil sa hilig nito sa musika at husay sa pagtugtog. a) Tama b) Mali 23) Batay sa inilahad sa bahagi ng akdang ni Francisco na ginamitan ng matatlinghagang salita, malaki ang kaibhan ng wika noon at wika ngayon na ginagamit ng mga kabataan. a) Tama b) Mali 24) Mahalagang patuloy na pag-aralan ang Florante at Laura pagkat ito’y naglalaman ng mga mahahalagang aral na nagsisilbing gabay sa bawat Pilipino. a) Tama b) Mali 25) Ang mga kaisipang taglay ng bahaging ‘Kay Celia” at “Sa Babasa Nito” ay naglalaman ng maraming kaisipan, subali’t ang mga kaisipang taglay nito’y nakatuon lamang sa isang pangunahing kaisipan. a) Tama b) Mali

PAGSUSULIT - 8 DARWIN

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?