1) Alin ang isang uri ng kenetikong eskultura na kung saan ang mga bagay ay isinasabit sa mga tali, kawad at kabilya upang malayang makagalaw at makaikot? a) 3D art b) mobile art c) paper bead d) paper mache 2)  Sa aling lugar dapat nakasabit ang ginawang mobile art para lubusan itong mahahangaan? a) maaliwalas b) madilim c) makulimlim d) masikip 3) Alin ang tumutukoy sa 3D art na likhang sining na ginagamitan ng mga pinupulupot na papel na may iba’t ibang hugis at kulay? a) dekorasyon b) jar mache c) paper bead d) paper jam 4)  Alin ang pangunahing gamit sa paggawa ng mga paper bead? a) lumang dyaryo at magasin b) luwad o clay c) mga botelya d) mga plastic 5) Alin sa sumusunod ang ginawa sa papel para maging paper bead? a) binabasa b) kinakain c) pinunit d) pinupulupot 6) Alin ang ginagamit upang kumintab ang ginawang paper beads? a) glue b) pintura c) poster color d) varnish 7) Nakatapos nang maaga ang iyong kamag-aral sa pinagagawa na gawaing Sining ng iyong guro. Ano ang mararamdaman mo? a) masosorpresa b) matutuwa c) magagalit d) maiinggit 8) Alin ang dapat mong gawin sa lugar na pinaggawaan matapos ang isang gawaing sining? a) ipagyabang sa mga hindi marunong b) i-display ang natapos na gawain c) linisin ang pinaggawaan d) itapon ang mga gamit 9) Alin ang HINDI dapat gawin sa pagsasagawa ng likhang-sining? a) sumunod sa mga hakbang b) pagawa sa kaklase c) maging malikhain d) gumawa sa gabay ng guro 10) Alin sa sumusunod ang pinakamahusay na solusyon sa problema sa basura? a) Ugaliin ang pagrerecycle ng mga gamit na bagay b) Linangin ang crab mentality c) Itapon ang mga bagay na sa palagay mo’y hindi mo kailangan d) Magtipid ng enerhiya

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?