1) 31. Kung ikaw ay nahalal na pangulo ng Pilipinas, ano ang iyong gagawin upang masolusyunan ang lumalalang kahirapan sa ating bansa? a) A. Hihikayatin ang mga mamamayan na magkaisa sa pagsunod sa mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan. b) B. Maglalaan ng mataas na pondo para sa edukasyon ng mga batang Pilipino. c) C. Itataas ang sahod ng lahat ng mga manggagawa upang maitaguyod nila ang kanilang pamilya. d) D. Magpapatupad ng mga programa na magtataguyod sa kabuhayan ng mga mamamayan. 2) 32. Paano nakatulong ang mga hakbang na isinagawa ng mga Pilipino upang maipagtanggol ang interes ng bansang Pilipinas? a) A. Ang mga Pilipino ay naging malikhain, masipag at masigasig upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan. b) B. Nagpatuloy ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa lahat ng produkto ng bansa. c) C. Nabigyan ng trabaho ang lahat ng mga walang hanapbuhay. d) D. Namahagi ng mga lupa para sa mga piling magsasaka. 3) 33. Tinalakay ang pagsugpo ng komunismo sa rehiyon ng Asya at Pasipiko sa Manila Summit Conference na ginanap noong_____________________ at dinaluhan ng maraming pinuno ng estado. a) A. Agosto 8, 1967 b) B. Oktubre 24 – 25, 1966 c) C. Hulyo 4, 1946 d) D. Hunyo 12, 1898 4) 34. Paano ipinatupad ang “Patakarang Pilipino Muna” sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Garcia? a) A. Itinaguyod ang mga negosyo at produktong Pilipino upang tangkilikin ito sa bansa at mabawasan ang pagtangkilik sa produkto at ekonomiya ng ibang bansa. b) B. Hinikayat ang mga Pilipino na linangin ang likas na yaman ng bansa at gamitin ang mga ito sa paggawa ng mga produkto na maaaring angkatin ng ibang bansa. c) C. Pinautang ang ilang Pilipino upang magkaroon ng hanapbuhay. d) D. Nakipag-ugnayan sa mga dayuhan ang Pilipinas hikayatin sila na tangkilikin ang produkto ng mga Pilipino.  5) 35. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa programang isinulong ni Pangulong Ramon Magsaysay sa panahon ng kanyang panunungkulan? a) A. Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa. b) B. Pagpapagawa ng mga daan at tulay upang mailapit ang baryo sa poblasiyon o kabayanan. c) C. Paghikayat sa mga kapitalistang Amerikano na mamuhunan sa Pilipinas d) D. Pagpapagawa ng mga kalsada upang mapabilis ang kalakalan at transportasyon. 6) 36. Hindi naging makatarungan ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng Bell Trade Act o Philippine Trade Act dahil sa hindi pantay na paglinang sa mga likas na yaman ng bansa. Sa ganitong sitwasyon, ano ang nararapat na naging aksyon ng pinuno ng isang bansa? a) A. Magpatupad ng mga programa na magtuturo sa mamamayan ng ipaglaban ang kanilang karapatan na gamitin ang likas na yaman ng bansa. b) B. Magtanggal ng quota sa mga iniluluwas na produkto ng Pilipinas sa ibang bansa. c) C. Magsulong ng batas na magbibigay ng limitasyon sa mga dayuhan na gamitin ang mga likas na yaman ng bansa. d) D. Makipag-ugnayan sa Estados Unidos hinggil sa pantay na karapatan sa paggamit ng mga mineral at iba pang mga natural na mapagkukunan ng Pilipinas. 7) 37. Isinasaad sa batas na ito ang hangarin at mithiin ng gobyerno na mabigyan ng mga lupang sakahan ang mga magsasaka sa buong bansa. a) A. Republic Act No. 2671 b) B. Republic Act No. 2871 c) C. Republic Act No. 3844 d) D. Republic Act No. 4144 8) 38. Katatapos ng digmaan, at malaki ang salanta na ibinigay nito sa inyong lugar. Bilang kasapi ng lipunan, ano ang gagawin mo upang makatulong sa pamilya at komunidad? a) A. Makipag-usap sa pinuno ng inyong barangay na tulungan ang lahat ng mamamayan na magkaroon ng hanapbuhay. b) B. Manawagan sa social media na tulungan ang inyong komunidad na maibalik ang dating ganda at ayos nito. c) C. Hikayatin ang mga kapwa bata na tumulong kasama ng pamilya, sa rehabilitasyon ng paligid o komunidad na napinsala dulot ng digmaan. d) D. Bumuo ng samahan na tutulong sa pagpapanumbalik ng kabuhayan ng inyong pamilya at kaayusan ng inyong komunidad. 9) 39. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI direktang dahilan ng maaaring pagpapatupad ng Batas Militar? a) A. rebelyon b) B. karahasan c) C. terorismo d) D. kalamidad 10) 40. Paano naka-apekto sa mga mamamayan ang pagsuspinde sa Writ of Habeas Corpus noong panahon ng Batas Militar? a) A. Lumaki ang utang ng bansa sa World Bank. b) B. Tumaas ang presyo ng mga bilihin sa merkado. c) C. Dumami ang mga naipakulong ng labag sa batas. d) D. Naging mahirap ang pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?