1) Bakit nabuo ang kilusang All India Women’s Conference sa India? a) Dahil nais nitong itaguyod ang pagtigil sa child marriage o maagang pagpapakasal. b) Dahil nais nitong patigilin ang mga karahasan sa mga kababaihan tulad ng domestic violence. c) Dahil nais nitong himukin ang mga kababaihan na magprotesta sa pamahalaang Ingles. d) Dahil nais nitong ipagbawal ang pagtatrabaho ng mga kababaihan sa mga delikadong makinarya. 2) Sa bansang Bangladesh, bakit itinataguyod ng mga samahang kababaihan ang pagpapatalsik kay Hussain Ershad? a) Dahil hindi niya binibigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na sumali sa politika. b) Dahil ginagamit niya ang relihiyong Islam sa politika upang mapigilang ang demokrasya. c) Dahil mas hindi niya tinutugunan ang mga isyu ng mga kababaihan tulad ng karahasan. d) Dahil ipinagbabawal niya ang mga uri ng samahang kababaihan na nagnanais ng demokrasya. 3) Alin sa mga pagpipilian ang HINDI lebel ng pagkilos ng mga samahang kababaihan sa Kanlurang Asya? a) Imulat sa mga kababaihan ang tungkol sa hindi pagbibigay ng pantay na karapatan ng kanilang pamahalaan. b) Ipaabot sa lahat ng mga kababaihan sa lipunan na bumuo ng himagsikan laban sa mga namamahala sa politika. c) Hilingin sa pamahalaang nasyonal ang pagpapatupad sa pagbibigay proteksyon sa kababaihan sa lahat ng larangan. d) Ipaunawa sa mga bansa sa daigdig na sila ay hindi lamang naghihintay na sila ay sagipin bagkus ay nakikipaglaban rin para kanilang karapatan. 4) Ano ang pinaka naging dahilan ng pagtaguyod ng mga samahang kababaihan sa Arab Region? a) Mas magaling ang mga kababaihan mamahala sa politika lalo na sa pag-alis ng mga isyu sa lipunan. b) Hindi nagagamit ng mga kababaihan ang kanilang karapatan sa pulitika dahil ilegal makihalok sa eleksyon. c) Nagkaroon ng hindi makatarungang pagdakip ng mga sundalo sa isang kababaihang kasapi ng pamilya. d) Ang mga kalalahikan sa politika ay hindi marunong mamahala sa iba’t ibang bansa sa Arab Region. 5) Sino ang naging pinuno sa Egypt na nanguna sa National Council on Women? a) Reyna Rania Al-abdulla b) Sheika Fatima Bint Mubarak c) Susan Mubarak d) Turkish Khilafat

Maikling Pagsusulit | AP -7

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?