1) Kasama sa pag-unlad ng bansa ang paggamit ng kaalaman nila para sa kanilang mga desisyon. a) edukasyon b) politika c) kayamanan d) kultura 2) Magiging maayos ang mga proseso ng isang bansa kung ang mga namumuno dito ay may maayos na desisyon para dito. a) edukasyon b) politika c) kayamanan d) kultura 3) Limitado ang mga kayang bilhin ng isang bansa para sa pag-unlad nito sa dami ng perang mayroon ito. a) edukasyon b) politika c) kayamanan d) kultura 4) Umuunlad ang isang bansa kung may panahon din ang mga tao nitong pagandahin ang kasanayan nila a) edukasyon b) politika c) kayamanan d) kultura 5) Ito ay ang aral ng produksyon, distribusyon at pagkonsumo ng mga kagamitan at kayamanan ng bansa. a) ekonomiks b) kultura c) sibika 6) Ito ang proseso ng paggawa ng produkto. a) produksiyon b) distribusyon c) pagkonsumo 7) Ito ang paggamit natin ng mga nakuhang produkto a) produksiyon b) distribusyon c) pagkonsumo 8) Ito ang pagpapadala ng mga produkto sa iba't ibang lugar upang mabili at magamit ito ng mga tao. a) produksiyon b) distribusyon c) pagkonsumo 9) Kilala ang lugar na ito sa paggawa ng sapatos a) Marikina b) Cebu c) Baguio 10) Kilala ang lugar na ito sa paggawa ng mga handicrafts. a) Marikina b) Cebu c) Baguio 11) Ito ang pagkakaroon ng kaisipan na higit na mas mahusay ang produktong galing sa ibang bansa. a) kolonyal na kaisipan b) kolokyal na kaisipan c) kondisyon na kaisipan 12) Ito ang kabuuang paraan ng pamumuhay at kaugalian ng mga tao bilang parte ng lipunan. a) sibika b) kultura c) kaalaman 13) Alin ang hindi bahagi ng kultura? a) materyal b) kayamanan c) di-material 14) Alin ang hindi bahagi ng materyal na kultura a) tahanan b) edukasyon c) kasuotan d) kagamitan 15) Alin ang hindi bahagi ng di-materyal na kultura a) pananampalataya b) edukasyon c) pamahalaan d) kasuotan 16) Ito ang bahagi ng kultura na maaaring mahawakan a) materyal b) di-materyal 17) Ang mga gamit ng mga sinaunang Pilipino ay gawa sa _____. a) metal at bakal b) bato at kahoy c) dahon at bato d) kahoy at metal 18) Ano ang tawag sa kasuotang pambaba a) bahag b) putong c) kugon 19) Ano ang tawag sa pantakip ng ulo? a) bahag b) putong c) kugon 20) Ang mga sinaunang Pilipino ay nagluluto sa _____. a) palayok at tubo ng kawayan b) kaldero at kawali c) kalan at kawali 21) Gawa sa mga materyal na ito ang mga tirahan ng mga sinaunang Pilipino maliban sa isa. a) kawayan b) cogon c) pawid d) narra 22) Noong unang panahon, mga guro ang nagtuturo sa mga kabataan. a) Tama b) Mali 23) Ang pinakamakapangyarihang diyos ng mga sinaunang Pilipino a) Bathala b) Allah c) Buddha 24) Sinasamba ng mga Tagalog ang mga _____. a) anito b) anita c) diwata 25) Sinasamba ng mga Bisaya ang mga _____. a) anito b) anita c) diwata 26) Tinatawag na _____ ang batayang yunit ng pamahalaan ng ating mga ninuno. a) balangay b) barangau c) barangay 27) Alin ang hindi halimbawa ng diyalekto sa Pilipinas? a) Hiligaynon b) Meranao c) Kapampangan d) Kastila 28) Ito ang sinaunang alpabeto ng mga Pilipino. a) baybayin b) bugtong c) epiko d) salawikain

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?