1) Pang-uring pahambing na ang pinaghahambing ay pareho o magkapantay ng deskripsyon o katangian. a) Pahambing na Magkatulad b) Pang-uring Lantay c) Pang-uring 'Di Magkatulad d) Pang-uring Pahambing 2) Antas ng pang-uri na naglalarawan lamang ng iisang pangngalan o panghalip. a) Pang-uring Pahambing b) Pang-uring Lantay c) Pang-uring pasukdol d) Pandiwa 3) Isang anyo ng sining o panitikan na may taludotd at saknong at naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat. a) Pang-uri b) Matalinhaga c) Tula d) Pasulat e) Pasalita 4) Ang uri ng tulang ito ay naglalayong mamatnubay. a) Mapang-uyam b) Mapagpanuto c) Mapaglarawan d) Mapang-aliw e) Imahistiko 5) Naglalayon ang uri ng tulang ito na mangutya, mamuna ng mga kahangalan. a) Mapang-uyam b) Mapang-aliw c) Mapagpanuto d) Imahistiko e) Makatotohanan 6) Ipinapahayag ng makata ang kaniyang kaisipan sa paggamit ng mga imahen at larawang-diwa a) Makatotohanan b) Masagisag c) Imahistiko d) Mapang-uyam e) Mapagpanuto 7) Sa tulang ito ay gumagamit ang mga makata ng mga hindi kapani-paniwalang mga elemento a) Imahistiko b) Makababalaghan c) Masagisag d) Mapagpanuto e) Matalinhaga 8) Tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod a) Sukat b) Tugma c) Saknong d) Masagisag e) Pagsasalita 9) Ito ang katangian ng tula na di tiyakang tumutukoy sa bagay na binanggit. a) Tugma b) Matalinhaga c) Pasulat d) Saknong e) Imahistiko f) Mapagpanuto 10) Ang uri ng tulang ito ay hindi lumalayo sa mga tunay na pangyayari sa buhay sa daigdig. a) Tugma b) Matalinhaga c) Makatotohanan d) Pasulat e) Makababalaghan f) Imahistiko

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?