1) Ito ang pinakamatandang uri ng panitikang nagtatampok sa mga hayop bilang tauhan. a) nobela b) pabula c) libro d) bibliya 2) Ito ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan. a) maikling kwento b) pabula c) tula d) sawikain o idyoma 3) Ano ang ibig sabihin ng "Di-makabasa pinggan"? a) mahinhin kumilos b) nagkukunwari c) pakitang tao d) nagdadalamhati 4) Ano ang ibig sabihin ng "Kumagat sa pain"? a) nakatanaw b) napasigaw c) naloko o nalinlang d) nasaktan 5) Ano ang ibig sabihin ng "Nagbibilang ng poste" a) walang trabaho b) mahinhin kumilos c) niyakap ng mahigpit d) totoong nagdadalamhati 6) Ito ay mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at mga pangyayari. a) banghay b) kwento c) pangngalan d) tauhan 7) Ito ay tumutukoy sa hayop. a) Cebu b) Pasko c) Anna d) aso 8) Ito ay tumutukoy sa tao. a) Bb. Montes b) bola c) Amerika d) pusa 9) Ito ay tumutukoy sa pook. a) Boracay b) Myka c) Bagong Taon d) Ethan 10) Ito ay tumutukoy sa pangyayari. a) Sinulog b) Adidas c) Allen d) Filipino 11) Ito ay tumutukoy sa bagay. a) tsinelas b) nanay c) Japan d) Bantay 12) Piliin ang pangngalang pantangi. a) kaibigan b) kaklase c) Anna d) kapatid 13) Piliin ang pangngalang pambalana. a) Adidas b) sapatos c) Converse d) Nike 14) Ito ay tumutukoy sa di-tiyak na ngalan ng tao. a) panghalip b) pantangi c) pangngalan d) pambalana 15) Ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao. a) pantangi b) pambalana c) panghalip d) pangngalan 16) Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang. a) payak b) maylapi c) inuulit d) tambalan 17) Ito ay binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan. a) tambalan b) inuulit c) maylapi d) payak 18) Ito ay inuulit nang ganap at di ganap. a) maylapi b) payak c) tambalan d) inuulit 19) Ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-isa. a) inuulit b) tambalan c) payak d) maylapi 20) Si Narda ay kapitbahay namin. Anong salitang tambalan ang ginamit sa pangungusap? a) kapitbahay b) Narda c) namin d) Si 21) Kaligayahan ko ang makita kang masaya. Anong salitang maylapi ang ginamit sa pangungusap? a) kang b) masaya c) Kaligayahan d) makita 22) Balita-balita sa aming bayan ang pagkawala sa ilang bata. Anong salitang inuulit ang ginamit sa pangungusap? a) bayan b) pagkawala c) bata d) Bali-balita 23) Magsasaka ang hanapbuhay ng aking ama. Anong salitang tambalan ang ginamit sa pangungusap? a) hanapbuhay b) Magsasaka c) ama d) aking 24) Ano ang ibig sabihin ng sawikaing "Ibinilanggo sa mga bisig"? a) naloko b) nagkukunwari c) niyakap nang mahigpit d) nalinlang 25) Ano ang ibig sabihin ng sawikaing " Luha ng buwaya"? a) hIndi totoong nagdadalamhati b) mahinhin c) napaniwala agad d) naloko

Filipino 6 Quarter 1 Week 1-3 REVIEW TEST

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?