1) Ito ang paboritong gawain na nagpapasaya sayo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi napapagod. Anong pansariling salik sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal tinutukoy nito? a) Hilig b) Talento 2) Si Berto ay naaliw kapag siya ay nagluluto sa kanilang bahay. Masaya niyang pinagluluto ang kanyang pamilya. Anong personal na salik sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal ang maaaring maging gabay ni Berto sa pagpili ng kanyang kurso sa kolehiyo?  a) Hilig b) Talento 3) Mula sa mahirap na pamilya si Kim kaya alam niyang walang perang pantustos sa kanyang pag-aaral ang kanyang magulang kapag siya ay nasa kolehiyo na. Kaya minabuti niyang maghanap ng trabaho habang siya ay nag-aaral upang makaipon ng kanyang pambayad sa kolehiyo. Anong pansariling salik ang isinagawa ni Kim? a) Katayuang pinansyal b) Mithiin 4) Alin sa mga sumusunod ang resulta ng wasto at tamang pagpapasya sa pagpili ng kurso o negosyo? a) Papalit-palit ng kurso sa kolehiyo b) Maiangat ang antas ng iyong pamumuhay 5) Alin sa mga sumusunod ang dalawang kakayahang ginagamit ng tao upang makagawa ng tama at wastong pagpapasya? a) Kalinawan ng isip at malayang kalooban b) Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob 6) Ikaw ay nasa puntong nahihirapan sa pagpili ng kurso sa kolehiyo. Ano ang nararapat mong gawin upang ikaw ay makagawa ng tamang pagpapasya? a) Maglaan ng oras na makapagbasa,makapag-isip at makapagplano b) Sundin ang gusto ng magulang 7) Pangarap ni Lito na maging abogado kaya naman nagsusumikap siya sa kanyang pag-aaral upang makakuha ng mataas na marka sa paaralan upang makakuha ng scholarship dahil walang kakayahan ang kanyang pamilya na suportahan ang kanyang ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Anong pansariling salik ang ginawa ni Lito ? a) Katayuang Pinansyal b) Talento 8) Muling binalikan ni Dr. Leah ang malungkot na pagkamatay ng kanyang ina dahil sa sakit dulot ng malaria. Dahil wala silang perang pambayad sa ospital ay hindi nalunasan ang kanyang ina. Ito ang naging motibasyon niya upang magsumikap sa pag -aaral at makatapos bilang isang magaling na doktor. Ayaw niyang maranasan ng ibang tao ang paghihirap na naranasan ng kanyang ina kaya minabuti ni Dr. Leah na magbigay ng libreng serbisyo sa mga kababayan nating naghihirap sa buhay. Anong pansariling salik ang ginawa ni Dr. Leah?  a) Mithiin b) Katayuang Pinansyal 9) Dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19 ay pansamantalang ipinagbabawal ng ating gobyerno ang pagkakaroon ng face-to-face classes. Karamihan sa mga paaralan ay gumamit ng mga online classes upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng ating mga mag-aaral. Kahit na nangangapa at naninibago ay hindi naging hadlang ito kay Bb. Cherry na hikayatin ang kanyang mag-aaral na magsumikap sa pag-aaral. Ginagawa ni Bb.Cherry ang kanyang trabaho bilang isang guro ng may ngiti sa kanyang labi. Anong pansariling salik ang ginawa ni Bb. Cherry? a) Mithiin b) Pagpapahalaga 10) Hindi maipagkakaila na magaling si Cecile sa pagpinta lalo na kapag may kinalaman ito sa kalikasan. Suportado siya ng kanyang mga magulang. Binibilhan siya ng mga kagamitan sa pagpinta. Dahil sa suporta ng kanyang mga magulang ay lalo niyang napaunlad ang kanyang kahusayan sa pagpinta. Bukas siya sa ideyang kumuha ng kursong may kinalaman sa pagpipinta. Buo na ang kanyang desisyon tungkol dito. Anong pansariling salik ang naging tuntungan niya sa pagpili ng kurso?  a) Kasanayan b) Pagpapahalaga

G9 Pangwakas na Pagsusulit

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?