1) May humintong ambulansiya sa tapat ng bahay ni Gng. Teresita Mendoza. Maraming tao ang nang-usyuso sa mga pangyayari. Ano kaya ang nangyari kay Gng. Teresita Mendoza? a) Dadalhin sa hospital si Gng. Teresita Mendoza. b) Napahinto lamang ang ambulansiya. c) Naubusan ng gasolina ang ambulansiya. d) May inihatid lamang ang tsuper ng ambulansiya kay Gng. Teresita Mendoza? 2) Maraming mag-aaral ang hihinto ngayong pasukan dahil sa covid-19. Bakit kaya sila hihinto? a) ayaw na nilang mag-aral b) natatakot siya sa bagong guro c) walang perang pangtustos ang kanilang mga magulang d) dahil ayaw ng mga mag-aaral ang online class 3) Nadulas si Alvin sa balat ng saging dahil hindi itinapon ng kaniyang kapatid sa basurahan. Ano kaya ang nangyari kay Alvin? a) gumanti sa kaniyang kapatid b) pinagsabihan niya ito na hindi na niya ito uulitin c) pinagalitan niya ang bunsong kapatid d) dapat pagalitan ng kanilang ina ang kaniyang kapatid 4) Gumising nang maaga si Vincent. Naligo, kumain, nagsipilyo at nagsuot ng uniporme. Siya ay___? a) mamimili sa palengke b) papasok sa paaralan c) mamasyal sa plasa d) manonood ng sine 5) Kumuha ng palanggana si Aling Lita, hiniwalay niya ang mga puti sa may kulay na damit. Nilagyan ng tubig at sabon ang palanggana. Ano kaya ang susunod na gagawin ni Aling Lita? a) isasampay ang mga damit b) unang lalabhan ang puting damit c) maglalaba ng may kulay na damit d) babanlawan ang mga damit na iba-iba ang kulay.

FILIPINO 3 PAGBIBIGAY NG HINUHA

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?