1) Anong programang pangkalusugan ng pamahalaan ang may layuning makapagbigay ng kumpletong gamot lalo na sa mga pangunahing sakit para sa mga mamamayan? a) A. Pagbabakuna b) B. National Health Insurance Program c) C. Philhealth d) D. Complete Treatment Pack 2) Bakit mahalaga ang pagbabakuna sa mga bata? a) A. Walang bayad itong ibinibigay sa mga bata.A. b) B. Maiiwasan ang malubhang pagkakasakit ng mga bata c) C. Para maiwasan ang pagpapadoktor d) D. Para makatipid ang pamilya. 3) Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga programa ng pamahalaan para sa kalusugan? a) A. Edukasyon Para sa Lahat b) B. Pagbabakuna c) C. Complete Treatment Pack d) D. PhilHealth 4) Bakit mahalagang malusog ang mga mamamayan sa isang bansa? a) A. Magagawa niya ang anumang naisin niya kung malusog siya. b) B. Magandang tingnan ang malulusog na mamamayan. c) C. Ang malusog na mamamayan ay kapaki-pakinabang sa bansa. d) D. Kailangan ng pamahalaan ang mga mamamayan. 5) Alin sa mga sumusunod na programa ang itinataguyod ng pamahalaan upang masugpo ang mga sakit gaya ng polio, tigdas, diarrhea, at trangkaso? a) A. Pagbabakuna b) B. PhilHealth c) C. Complete Treatment Pack d) D. National Health Insurance Program 6) Alin sa mga programang ito ng pamahalaan ang naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng mga ina? a) A. Bakuna laban sa Neo Tetanus b) B. Complete Treatment Pack c) C. Abot-Alam d) D. Edukasyon Para sa Lahat 7) Nalaman mo na may nakatakdang pagbabakuna o imunisasyon para sa mga bata laban sa sakit na polio sa inyong barangay. Paano mo maipapakita ang iyong pagsuporta sa programang ito ng pamahalaan? a) A. Magsasawalang kibo lamang. b) B. Hayaan ang mga Barangay Health Worker sa programang ito dahil gawain nila ito. c) C. Ipagbigay alam sa mga kapitbahay ang programang ito. d) D. Hikayatin ang kapwa-bata na huwag magpabakuna. 8) Malala na ang ubo ng iyong kapatid sapagkat hindi maipagamot dahil wala kayong pera. Napag-aralan ninyo ang mga programa ng pamahalaan para sa kalusugan. Ano ang dapat mong gawin? a) A. Hintayin na maipagamot ang kapatid. b) B. Sabihin sa magulang ang nalamang programa ng pamahalaan para sa kalusugan. c) C. Hayaan na malaman ng magulang ang tungkol sa programa ng pamahalaan tungkol dito. d) D. Dalhin sa health center ang kapatid kahit hindi alam ng magulang. 9) Kabilang sa pinakamahihirap na pamilya sa inyong lugar ang pamilya ng kalaro mong si Alex. Nagkasakit ito nang malubha kaya hindi na makapaglaro. Paano mo matutulungan si Alex? a) A. Sabihin sa munisipyo ang kalagayan ng kalaro mong si Alex. b) B. Layuan na lang si Alex upang hindi mahawa sa kanyang sakit. c) C. Ibahagi sa pamilya ni Alex ang programa tungkol sa Complete Treatment Pack ng pamahalaan. d) D. Hayaan na lang ang pamilya ni Alex sa kalagayan nila. 10) Bakit kailangang magkaroon ng mga programa ang pamahalaan tungkol sa kalusugan ng mga mamamayan ng bansa? a) A. Tungkulin ito ng pamahalaan. b) B. Para makilala sila ng mga tao c) C. Para mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan d) D. Para tuparin ang pangako nila sa mga tao.

Programa at Serbisyong Pangkalusugan, Handog ng Pamahalaan

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?