FOOTBALL - Ito ay isang uri ng sipaang bola o isports na nilalaro ng dalawang koponan, na may 11 manlalaro gamit ang isang bilog na bola., BADMINTON - Ito ay isang uri ng palakasan na ginagamitan ng raketa. Ito ay maaaring laruin ng dalawang magkalabang manlalaro o kaya ng dalawang magkalabang pares, kung saan sakop ng isang manlalaro o pares ng manlalaro ang kalahati ng isang parisukat na palaruan. Ito ay paghihiwalayin ng isang lambat, BASKETBALL - Ito ay isang larong pampalakasan na binubuo ng dalawang koponan ng limang manlalaro bawat isa. Layunin ng laro na maihulog ang bola sa net na may sukat na 18 inches diyametro at may taas na 10 feet na nakasabit sa backboard sa bawat dulo. Isa ito sa pinakatanyag at pinapanood na laro sa daigdig., BASEBALL - Ito ay larong koponan na ginagamitan ng maliit at matigas na bola na pinapalo ng pamalo o bat sa Ingles. Popular ito sa Estados Unidos, Canada, Hapon, Puerto Rico, Cuba, Taiwan, Panama, Venezuela, at Timog Korea. Itinuturing din ito sa Estados Unidos bilang di-opisyal na pambansang libangan., CHESS - Ito ay isang nakalilibang at labanang laro para sa dalawang manlalaro. Kung minsang tinatawag na kanluraning ahedres o pandaigdigang ahedres upang maipagkaiba ito mula sa mga naunang uri o ibang kahalintulad ng larong ahedres., VOLLEYBALL - Ito ay isang larong pangkoponan, kung saan ang dalawang magkatunggaling koponan ay pinaghihiwalay ng net. Tinatangka ng bawat isang koponan na magkaiskor ng puntos sa pamamagitan ng pagpapatama ng bola sa court ng kalabang koponan alinsunod sa mga nakabalangkas na tuntunin, SWIMMING - Ito ay paglangoy tagalog na isa sa pinakamadalas na recreational activities sa buong mundo., TENNIS - Ito ay isang laro na ginagamitan ng raketang panghataw ng bola habang hawak ito ng kamay. Karaniwang dalawang tao ang naglalaban dito na nakatakda sa dalawang dulo ng laruang nahahati sa gitna ng isang lambat. Mayroon ding larong tenis na dalawang pares ng manlalaro ang nagtutunggali para sa mga puntos., ARNIS - Ito ay isang sistema ng sining marsyal na nagmula sa Pilipinas. Ang makabagong arnis ay isa sa mga pinakapopular na sining panlaban sa Pilipinas. Ang palakasang ito ay itinuturo sa mga pampublikong paaralan bilang parte ng kurikulum na Edukasyong Pampalakasan.,

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?