1) Ang organikong pataba ay gawa sa __________ na dumi ng hayop o halaman na ang itsura ay parang lupa a) binili b) binulok c) ibinaon d) inipon 2) Ligtas ba na gamitin ang organikong pataba? a) Opo, dahil ito po ay ginawa ng tao. b) Hindi po, dahil mabaho po ang amoy nito. c) Opo, dahil ito po ay nagmula sa mga basurang nabubulok. d) Hindi po, dahil ito ay nagdudulot ng mga organismong nagdadala ng sakit. 3) Ang organikong pataba ay may kakayahang magbigay ng_________ sa mga halaman. a) atraksyon b) kalusugan c) sustansiya d) tibay 4) Ang mga nabulok na halaman, prutas, gulay at mga dumi ng hayop ay ihinahalo sa lupa upang maging ____________. a) Karagdagang lupa para sa mga pananim. b) Karagdagang lakas ng lupa para sa mga pananim. c) Karagdagang amoy sa lupa para sa mga bagong pananim. d) Karagdagang pataba sa lupa para sa mga bagong pananim. 5) Alin pangungusap ang tumutukoy sa hindi naibibigay na benepisyo ng paggamit ng organikong pataba o abono sa mga pananim? a) Pinananatili nito ang pagiging matatag na istraktura ng lupa. b) Ito ay nagpapataas sa kakayahan ng lupa na manatiling mahalumigmig o basa na siyang nagiging dahilan para maging madali sa mga ugat na makakuha ng sustansiya. c) Nagpapataas ng populasyon at pagkakaiba-iba ng mga organismong tumutulong sa mahusay na pagpapalit anyo ng pataba sa lupa. d) Kung sa mga kamang punlaan ginamit, mas madali ang pagbunot sa mga punlang halaman.

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?