1) “Si Lalapindigowa-i ay nagwika sa kaniyang mga asawa na bigyan siya ng pananghalian sa bukid nang sa ganoon ay hindi masayang ang kaniyang oras sa pag-uwi.” Mahihinuhang si Lalapindigowa -i ay isang _____ . a) tamad na asawa b) masunuring asawa c) mapagmahal na asawa d) masipag at responsableng asawa 2) Batay sa binasang akda, ano ang mahihinuha mong pangunahing hanapbuhay ng mga Mëranao? a) magsasaka b) mangangaso c) manghihilot d) mangingisda 3) “Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang asawa na mula noon ay dadalhan siya ng pagkain sa bukid.” Mahihinuhang ang mga kababaihan doon ay . a) mabait na asawa b) responsableng asawa c) tamad na asawa d) mapagmalaking asawa 4) “Si Lalapindigowa-i ay may dalawang asawa.” Anong kultura ang masasalamin sa mga Mëranao sa pag-aasawa? a) Ang pag-aasawa sa kanila ay pagpapakita ng kayamanan. b) Ang pag-aasawa sa kanila ay pagpapakita ng kapangyarihan c) Pinapayagan sa kanilang kultura ang pag-aasawa nang marami. d) Maaaring mag-asawa ang lalaki ng higit sa isa basta kaya niyangbuhayin. 5) “Nagalit si Lalapindigowa-i sa mga asawa niyang tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito.” Anong kaisipan ang ipinapahiwatig nito? a) Mabuti ang maging tamad. b) Walang magandang napapala ang tamad na tao. c) Hindi maitatago ang tunay na pag-uugali ng isang tao. d) May kaparusahan sa bawat maling nagagawa ng isang tao.

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?