1) Ito ay bahaging nagbibigay proteksyon sa aklat at dito makikita ang pamagat at pangalan ng may-akda. a) Pabalat b) Karapatang Sipi c) Katawan ng Aklat 2) Sa bahaging ito makikita ang taon kung kailan ginawa ang aklat at ang pagsasaad ng tanging karapatan ng awtor at sa publisher. a) Indeks b) Karapatang Sipi c) Talaan ng Nilalaman 3) Dito mababasa ang mensahe ng awtor para sa mambabasa. a) Paunang Salita b) Talasanggunian c) Talaan ng Nilalaman 4) Dito makikita ang mga paksa o nilalaman ng aklat pati ang pahina nito na nakaayos ng sunod-sunod. a) Talasanggunian b) Katawan ng Aklat c) Talaan ng Nilalaman 5) Ito ang pinakamahalagang bahagi dahil dito mababasa ang mga nilalaman o impormasyong taglay ng aklat. a) Indeks b) Talasanggunian c) Katawan ng Aklat 6) Dito nakalista ang mahihirap na salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan nito. a) Talasanggunian b) Talahulugan c) Paunang Salita 7) Ito ang listahan ng mga paksang nakaayos nang paalpabeto at pahina kung saan ito matatagpuan. a) Indeks b) Talasanggunian c) Talahulugan 8) Dito mababasa ang mga sangguniang ginamit sa pagbuo ng aklat. a) Talasanggunian b) Karapatang Sipi c) Paunang Salita

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?