1) Kung ang pipi ba pag natulog, naghihilik din? 2) Kapag wala ka nang mukhang maihaharap, magpapa make up ka pa ba? 3) Sino ang mas matanda, tandang padamdam o tandang pananong? 4) Nag aalala ba ang manananggal kung hanggang bewang na ang baha? 5) Ang utang na loob ba ay pwedeng bayaran ng installment? 6) Sa iyong palagay, kakain ba ng curry si Lebron James? 7) Kapag malakas ang ulan, anong payong ang gagamitin mo, payong kapatid or payong kaibigan? 8) Kapag nadukutan ang mandurukot, pwede ba siya magsumbong sa pulis? 9) Anong negosyo ang patok sa impyerno, ihaw ihaw o halo halo? 10) Kung ang special halo halo may ice cream sa ibabaw, bakit ang special ice cream walang halo halo sa ilalim? 11) Kaano-ano ni Totoy Bibo si Tsubibo? 12) May naglalaro ba ng tumbang preso sa kulungan? 13) Sa fire exit ba lumalabas ang fire kapag may sunog? 14) Bakit kapag close kayo, open kayo sa isa't isa? 15) Bakit hindi pwede magpuyat sa umaga? 16) Bakit dilaw ang kulay ng pula ng itlog? 17) Posible kaya na magka balakubak ang kalbo? 18) Pwede ba uminom ng coke kapag coffee break? 19) Pwede bang dinner ang laman ng lunch box? 20) Bakit asukal na pula ang tagalog ng brown sugar? 21) Pwede ba gamitin ang AM na radyo pag gabi na? 22) Bakit ang guard walang bantay? 23) Bakit kulay green and black board? 24) Ang lason ba kapag na expire, nakakalason pa rin? 25) Bakit ang building na tapos na gawin eh building pa rin ang tawag?

Fun Activity 03/25/2020

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?