1) Ano ang pangunahing kahulugan ng nasyonalismo? a) Pag-ibig sa kapwa-tao b) Katapatan at debosyon sa sariling bansa c) Paggalang sa tradisyon ng iba d) Pagtulong sa mga dayuhan 2) Ano ang itinuturing na isa sa mga elementong bumubuo sa nasyonalismo? a) Pagpapahalaga sa sariling wika at kultura b) Pag-angkat ng mga banyagang produkto c) Pagsunod sa mga dayuhang paniniwala d) Pagkakawatak-watak ng mga mamamayan 3) Paano naipapakita ng isang tao ang pambansang pagmamalaki? a) Sa pagwawalang-bahala sa pambansang awit b) Sa paggamit ng wikang banyaga lamang c) Sa pagtangkilik sa mga lokal na produkto d) Sa pagsusuot ng banyagang kasuotan 4) Alin sa mga sumusunod ang bunga ng damdaming nasyonalismo? a) Pagkalimot sa sariling kultura b) Pagsuporta sa mga banyaga c) Pagkawatak-watak ng mga grupo d) Pagkakaisa ng mamamayan 5) Sa panahon ng pananakop, paano naging mahalaga ang nasyonalismo? a) Nagdulot ito ng pagkakawatak-watak sa bansa b) Nagpahina ito sa damdaming makabayan c) Nagbigay ito ng inspirasyon sa mga mandirigmang lumaban para sa kalayaan d) Naging dahilan ito ng pagsuko sa mga dayuhan 6) Sa klase ninyo, napansin mong mas gusto ng ilang kaklase na magsalita ng wikang banyaga kaysa sa Filipino. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang nasyonalismo? a) Hikayatin silang gamitin at pahalagahan ang wikang Filipino b) Sabihin na mas maganda ang banyagang wika c) Tawanan sila kapag mali ang Filipino nila d) Iwasan silang kausapin 7) Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, inatasan kayo ng guro na gumawa ng proyekto tungkol sa kultura ng Pilipinas. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng nasyonalismo? a) Gumamit ng banyagang wika sa palabas b) Gumaya sa presentasyon ng ibang bansa c) Gumamit ng mga larawan ng mga Pilipinong bayani at tradisyon d) Gumamit ng mga banyagang larawan at kanta 8) Ang nasyonalismo ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga mamamayan na maging makabayan at magkaisa para sa ikabubuti ng bansa. Kung ikaw ay kabataan sa panahon ngayon, paano mo maipapakita ang kahalagahan ng nasyonalismo sa iyong pang-araw-araw na buhay? a) Sa pagsunod lamang sa mga uso at paniniwala ng ibang bansa b) Sa pagwawalang-bahala sa mga simbolo ng bansa tulad ng watawat at pambansang awit c) Sa pagtangkilik sa mga produktong banyaga at pagkalimot sa kulturang Pilipino d) Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga proyektong tumutulong sa kapwa at nagpapakita ng pagmamalaki sa bansa

Leaderboard

Visual style

Options

Switch template

Continue editing: ?